"Ano ang problema niya?" Nagtatakang tanong ni Charlotte sa sarili habang tinititigan ang asawang abala ang mata sa dagat. Kanina pa itong walang imik nang siya'y magising. Sinabi lang nito na siya'y magbihis at mamasyal sila. Aba! Sobrang enjoy lang naman ang mamasyal ng walang kausap! Kasama naman niya eto pero parang nasa outer space naman! Ang saya-saya! Sobra!!! (Sos! Kung alam mo lang! Hahaha) Lulan sila ng isang di kalakihang barko papuntang strafish island. Sa Luli island sana sila pupunta, ang kaso high tide... Pinangalanan itong Luli island, dahil sa pag "Lulubog-Lilitaw" nito. "Malayo po pa ba tayo manong?" Tanong ni Sebastian sa bangkero. "Ah malapit na tayo, quinse minutos lang naman ang biyahe papunta sa mga island." Tugon nito. "Hays buti pa si Manong kinakauspa niya.

