Isang linggo na pala ang dumaan, ang bilis naman lumipas ang araw. Nakatitig si Charlotte sa kawalan ng malawak na lugar ng NAIA. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwalang aalis na siya't kasama si Sebastian, although kasama naman nila ang kanilang Mama ay parang hindi parin pumapasok sa kaniyang isip na iba na ang kanilang sitwasyon kumpara noon. Tatlong araw mula ngayon ay ikakasal na pala sila ni Sebastian. Ewan ba niya, hindi naman kailangang madaliin ang lahat pero nagpupumilit parin ang binata. Iginiya niya ang mata sa mga taong naroon, mapa-filipino man o dayuhan. Ang iba ay naroon para magbakasyon ang iba naman ay kasama ang mga pamilya, paroo't parito ang mga ito, sa totoo lang nahihilo na ang dalaga sa kakatitig sa mga tao na animo'y langgam. "Nagugutom ka na ba anak?"

