"This test is best done early in the morning..." Mahina niyang basa sa instructions mula sa likuran ng carton ng pregnancy test. "So bukas ko pa pala magagawa ito... Para accurate..." "Charlotte anak! Kakain na tayo!" Tawag ng kaniyang ina mula sa labas. Agad niyang itinago ang pregnancy test sa ilalim ng kaniyang unan. "Andiyan na po Mama!" Inayos niya ang sarili bago lumabas ng kwarto. "Oh halika na," malambing sabi ng ginang nang makarating siya sa kusina. Pinaghila pa siya nito ng upuan, talagang mahal na mahal siya nito. Isang tunay na anak ang turing nito sa kaniya at ginawa pa siyang prinsesa. "Pinagluto kita ng paborito mong bicol express." Nakangiting sabi pa nito. "Aw!" Pipi niyang usal. Napangiwi siya nang makita ang nakagandang ulam sa kaniyang harapan. Oo paborito nga

