Kay daling lumipas ang mga araw, sinong mag-aakalang i-se-celebrate na nila ang ikalawang taong anibersaryo ng kanilang kasal. Two years old na ang kanilang panganay na si Sabrina, samantalang kaka-one year old palang ng kanilang bunsong si Charles noong nakaraang dalawang buwan. "Mabuti naman at na isipan mo akong samahan sa mall," sita ni Charlotte sa kaniyang bestfriend na si Alena, "it's been three months nang bumalik ka dito ng Puerto Prinsesa, and yet lagi mong ikinukulong ang sarili mo sa loob ng condo mo!" "Hays!" Kumibit ito ng balikat, "hindi ko kasi aakalaing ganito pala kasakit ang ma-heart broken!" Nakalabi nitong sabi. "Sos!" Mahina niyang hinampas ang braso ng kaibigan. "Akala ko ba, unshakable si Alena Torrefranca sa love?" Panunukso niya. "Kung alam mo lang baby gi

