Hindi mapakali si Sebastian sa mga sandaling iyon. Pinuntahan niya ang Nurse's station upang alamin kung saan naroroon ang asawa, nagbabasakaling nilipat lamang ito sa ibang kwarto o ipinasok sa loob ng laboratory. Sana nga ganun ang nangayari, subalit wala talaga si Charlotte. "Sir, umalis na po yung pasyente. Since uinder observation po siya ay pinayagan po siyang umalis ng ospital." Paliwanag ng Nurse. "Under observation?" Hindi niya mapigilan ang sarkasmo sa kaniyan boses, "eh nag-bleeding ang asawa ko tapos pinayagan niyo siya?! Anong klaseng ospital kayo?!" Galit niyang turan. "Sir, pinigilan po namin ang pasyente kaso nagpupumilit siyang makaalis. As long as there is a signed waver that the hospital will not take any resposibility kung ano ang maaring mangyari sa pasyente ay wala

