Kinabukasan ay mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kagabi. Nag-text si Hunter na nag-aalala pero sinabi kong wala siyang dapat isipin dahil hindi naman ako kinompronta ni Mommy. Pero hindi ko alam kung makakaharap ako sa kanya nang kaya kong itago ang sakit na nararamdaman ko. We are too young; iyon ang sinasabi nila Mommy at Daddy. Wala naman kaming ginagawang masama para paglayuin. Kung ililipat ako ng eskwelahan, mag-a-adjust na naman ako sa bagong mga kaibigan. Hindi na ako magiging masaya tulad ng dati. Sa balkonahe ako nagpalipas ng oras habang nasa komedor pa si Adriana para mag-almusal. Hindi ko siya kayang harapin dahil nagsisimula na ang galit sa dibdib ko kung bakit kailangang sa kanya palagi ang pabor kapag naiipit kaming dalawa. Hindi ko iyon gustong maramdama

