Chapter 43 - Ziya

3042 Words

"Bakit hindi mo isama si Ziya sa lakad niyo ng kaibigan mo?" tanong ni Mommy isang araw na nagpaalam si Adriana na gigimik kasama ang mga kaibigan. Sa ilang buwan na nakatira ako sa mansyon ay natutunan na naming pakibagayan ang isa't isa. Bagama't hindi kami nag-uusap na kaming dalawa lang, sapat na sa akin na hindi na ito umiiwas kapag kaharap sina Mommy at Daddy.  Isang buwan na lang din ay debut na namin ni Adriana. Excited na akong sa wakas ay tutuntong na ako sa hustong edad para magdesisyon para sa sarili ko. Sa ilang buwan kasi ay pinipilit ko talagang makibagay sa pamilya ko lalo na kay Adriana. Lahat ng hilig niya ay pinilit kong maging kahiligan. Kahit ang pagbi-bake ay pinag-aralan ko kahit madalas ay sila ni Mommy ang nagkakaintindihan. "Hindi niya naman kaibigan ang mga kai

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD