"Mapagkakatiwalaan ba 'yang Hunter na iyan?" tanong ni Laura nang tawagan ko sa telepono kung pwede siya bukas ng hapon. Magpapaalam kasi ako kina Mommy at Daddy na magkikita kami ni Laura at mamamasyal sa mall. "Oo naman. Sa mall naman tayo pupunta at sandali lang tayo doon. Gusto ko lang siyang pagbigyan para naman gumaan ang loob niya kasi may sakit ang Mommy niya," paliwanag ko. Hindi ko naman gustong maglihim sa pamilya ko na nagkakamabutihan kami ni Hunter. Humahanap lang ako ng tiyempo para ipagtapat sa kanila ang lahat kung sakaling hindi pa man nasasabi ni Renzo. "Hindi pa rin ba kayo okay sa kakambal mo para puwede mo nang sabihin ang totoo?" "Hindi pa. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko rin matyempuhan. Umiiwas talaga si Adriana sa akin." "Naiintindihan naman kita kung

