Ngayon ang araw ng libing ni Manang Lorna, patuloy sa pagiyak ang pamilya nya habang naglalakad papunta sa sementeryo kung saan sya ililibing. Ako naman heto at kasabay na naglalakad ng magkakapatid. Parang hindi maubos yung luha ng mga pamilya ni Manang, naalala ko tuloy yung araw na libing ng mommy at kuya ko, pero ako hindi ko manlang nakita sila sa huling sandali. Oo ni hindi ako naka punta sa burol nila at lalong hindi ultimo nung araw na ililibing sila. Nasa ospital ako noong naka burol sina Mom at kuya, akala ko ng ana kahit isang sulyap manlang bago sila ilibing noon eh magagawa ko. But I was wrong. Hindi ako hinayaan ni Dad na makalabas ng ospital. Actually it took me months to got discharge kahit pa maayos na ang pakiramdam ko ay hindi pa din ako pinalabas ng ospital dahil h

