“Iha tignan mo ang asawa mo, baka naiinip na sa labas at iniintay lang tayong dalawa na matapos sa pagkukwentuhan naku nakakahiya naman!” sabi ni Manang Lorna sa akin. Naalala ko tuloy na nasa labas nga pala si Damon at kausap si Maureen. “Osige po Manang silipin ko lang po sandali si Damon sa labas,” paalam ko kay Manang Lorna. Agad akong tumayo at lumabas ng room ni Manang. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Damon sa dulo ng hallway naka talikod sya sa akin at naka pamulsa. “Maureen just trust me on this okay?” rinig kong sabi nya sa telepono. Magkausap pa din pala silang dalawa hanggang ngayon? Parang napaka seryoso naman pala ng pinagusapan nilang dalawa kung ganon? “I will not let anyone hurt Psyche, I’ll protect her.” Seryosong sabi nya ulit. Na pa hinto ako sa paglapit sa kany

