SNOW POINT OF VIEW Habang nakahiga ako sa kama, nakatitig lang sa kisame habang paikot-ikot ang mga tanong sa utak ko, biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako sa screen—Andress. Napakunot na naman ang noo ko. Hindi pa ba siya nagsasawa? Halos buong araw na kaming magkasama, tapos ngayon tatawag pa? Kung alam ko lang na nandoon si Davian sa motor race, hindi na sana ako sumama. Hindi ko na sana kailangang harapin ang mga tanong na ayaw ko pang sagutin. Sinagot ko ang tawag. "Hello," malamig kong bati. “Snow na nga pangalan mo, malamig pa rin ang tono mo. Painitin mo naman, pinsan!” tukso agad ni Andress, sabay halakhak. "Kapag ako uminit, babaon talaga sa ulo mo ang bala ng baril ko ngayon," inis kong sagot. Pero tumawa lang ang loko, na mas lalo lang nagpainit sa ulo ko.

