DAMIAN POINT OF VIEW
Isang malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sa mahimbing kong tulog. Mabilis akong bumangon, dinampot ang maingay na aparato, at buong inis na ibinato sa pader.
“Put—! Bakit ba laging may alarm clock sa kwarto ko?” reklamo ko habang napapailing. “Napaka-kulit ni Manang. Akala mo ba'y may trabaho akong kailangang puntahan araw-araw?”
Bumuntong-hininga ako habang tumayo, bumaba ng kama, at nagtungo sa banyo para mag-shower. Kailangan kong mahimasmasan. Sa ilalim ng malamig na tubig, bahagyang bumalik ang ulirat ko. Pero paglabas ng banyo, tuluyan kong ibinalik ang pagiging ako—walang hiya, walang pakialam. Hubo’t hubad akong naglakad pabalik sa kama, saka dinampot ang cellphone na maingay na rin palang tumutunog.
Pag-angat ko sa screen, pangalan ng secretary ko mula sa ibang bansa ang naka-flash.
Sinagot ko iyon, malamig ang boses. “What?”
“Sorry for disturbing you, sir. But Mr. Black wants to see you now,” sabi niya.
Napakunot ang noo ko. Anong kailangan ng lalaking iyon sa akin? Hindi ba’t ayaw niya ring pirmahan ang kontrata?
"I'm busy. Tell him that if he doesn't want to sign the contract, then he can f*****g leave my company," sagot kong walang pakundangan.
“But sir,” tugon niya agad, “he said he has something important to tell you.”
Napabuntong-hininga ako. Hindi ako mahilig sa mga taong nagmamagaling at nagmamarunong, pero kapag may sinabi silang ‘importanteng bagay,’ may parte sa akin na natutukso.
“Fine. Just make sure what that bastard has to say is really important. If not, I’ll bury a bullet in him,” malamig kong sagot bago ibinaba ang tawag. Mabilis akong nagbihis at inumpisahan na ring mag-empake ng mga gamit.
Pagdating ko sa NAIA, agad akong pumasok sa loob ng airport. Sanay na ako sa ganitong mga biyahe—mabilis, direkta, walang paligoy. Pero sa gitna ng pagmamadali, may bagay na pumukaw ng atensyon ko.
Habang papasok ako, may isang babae ang palabas ng paliparan. Nakasalubong ko siya. Naka-itim siyang sunglasses, black leather jacket na hindi naka-zipper kaya kitang-kita ang itim na tube top sa ilalim. Itim din ang fitting na pantalon, at may suot siyang black boots. Hila-hila niya ang isang makintab na itim na maleta.
Pero hindi iyon ang unang nakatawag ng pansin ko—kundi ang aura niya. Malakas ang dating. Confident. Isang tingin mo pa lang, alam mong hindi basta-basta ang babaeng ito.
Dumaan siya sa tabi ko. Hindi man lang siya lumingon.
Napakunot ang noo ko. ‘Di ba karaniwan, sa tuwing may nadadaanan akong babae, lilingon sila kahit saglit? Pero ito? Ni hindi ako sinulyapan.
Pinilit kong huwag pansinin. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Pero ilang hakbang pa lang ang nalalakad ko, hindi ko na natiis. Lumingon ako. And there she was—walking away from me with that same unbothered aura, palayo sa airport.
Napataas ang kilay ko. Sinundan ko siya ng tingin habang unti-unti siyang nilalamon ng liwanag ng araw sa labas.
“Sino ‘yong babaeng ‘yon na hindi man lang kinilig nang makasalubong ako?” tanong ko sa isip ko.
Isang mapang-akit na ngiti ang gumuhit sa labi ko. At saka ako muling lumakad patungo sa boarding gate.
Isang salita lang ang binitiwan ko habang nakatanaw pa rin sa direksyong nilabasan ng babae.
“Interesting…”
Pagkapasok ko sa VIP lounge ng airport, hindi pa rin maalis sa isip ko ang babae. Hindi dahil sa itsura niya—marami na akong nakita’t nakausap na mas maganda pa roon. Pero kakaiba siya. Parang may dala siyang bagyong hindi mo alam kung babagsak o lalampas lang.
Habang hinihintay ko ang boarding call, tinawagan ko ulit ang secretary ko.
“Check that woman,” utos ko agad sa kanya. “Palabas siya ng NAIA kanina. Black shades, leather jacket, tube top. May bitbit na black luggage. Pa-trace kung sino siya. I want details—name, nationality, flight history, everything.”
“Yes, sir,” mabilis na sagot niya.
Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to. Hindi ako basta naaabala ng mga estranghero. Pero may pwersang nagtutulak sa akin na tuklasin kung sino siya.
Sa loob ng private jet na sinundo ako, pilit kong ibinalik ang focus ko sa dapat kong asikasuhin—ang pag-uusap kay Mr. Black. Isa siya sa pinakamakapangyarihang negosyanteng Europeo na gustong pumasok sa Southeast Asian market. Pero may kutob ako—hindi pera ang talagang dahilan kung bakit gusto niya akong makausap ngayon.
Paglapag ko sa Hong Kong, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin at ang presensya ng isang itim na sasakyan na may heavily tinted windows. Walang palya ang seguridad—dalawang bantay sa magkabilang pinto, earpiece, at itim na suit. Alam mong hindi ito basta-bastang pagsundo.
Pagsakay ko sa loob ng sasakyan, bumungad sa akin si Mr. Black. Matanda na siya, halatang ginugulpi ng panahon, pero hindi iyon dahilan para mawala ang bagsik ng kanyang presensya. Ang mga mata niya—malalim, matalim, at tila laging naghahanap ng butas sa bawat galaw mo—parang kayang silipin ang pinakaitim na sulok ng konsensiya ko.
“You’re late,” ani Mr. Black, walang emosyon, ni hindi nag-abot ng kamay.
“I don’t come early for anyone,” sagot ko habang umuupo sa tabi niya. Kinuha ko ang basong may brandy na nakahanda sa gilid. “So? What’s so important you needed to drag me out of my country?”
Tahimik siya ng ilang segundo. Tila iniisip kung paano uumpisahan. At nang magsalita siya, bawat salita’y bumigat sa hangin.
“She’s back.”
Napalingon ako sa kanya. Kumunot ang noo ko. “Who?”
“The woman you’re not supposed to meet yet.”
Napapikit ako, saka napailing, pinipigilang uminit ang ulo. “What the hell are you talking about?”
Tiningnan niya ako sa mata—hindi kumurap, walang pag-aalinlangan.
“The woman you’ve been searching for a long time... the one you’re supposed to kill because she’s the daughter of the man who killed your father—her name is Wendee Snow Mallari.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Wendee Snow Mallari.
Isang pangalang matagal nang naghahari sa ulirat ko. Ang anak ng lalaking pumatay sa ama ko. Matagal ko na siyang hinahanap. Matagal ko nang pinagplanuhang ipakilala sa kanya ang lahat ng sakit, lahat ng galit, lahat ng pagkawala. Akala ko'y nahanap ko na ang kapayapaan nang mamatay ang demonyong ama niya sa kamay ko. Pero hindi pa pala doon natatapos ang kuwento.
Hindi pa ako tapos.
Hindi pa tapos ang paghihiganti ko.
At ngayon, ang impaktang matagal ko nang hinahanap ay lumitaw na mula sa pinagtataguan niya.
“Where is she now?” tanong ko, malamig ang tono, halos pabulong pero puno ng poot.
Ngumiti si Mr. Black. Isang ngiting hindi mo alam kung kakampi mo siya o kalaban.
“You already saw her, didn’t you?” bulong niya.
Parang may kung anong sumiklab sa dibdib ko. Ang babaeng nakasalubong ko sa NAIA... siya iyon?
Yung babaeng hindi man lang tumingin pabalik? Yung babaeng naglakad na para bang pagmamay-ari niya ang mundo?
Wendee.
Ang lakas ng dating niya—ng presensiya niya—paano ko hindi nahalata?
“I want everything. Her records. Her movement. Her alias. Kung sinong kasama niya, kung anong plano niya,” utos ko.
Mr. Black nodded. “You’ll have it by tonight. But be careful. She’s not the same girl anymore. She’s more dangerous now.”
Napatawa ako—mahina, mapait.
“She should be. I raised all my life for this moment. I won’t let her slip away now.”
Bumunot ako ng lighter mula sa bulsa, sinindihan ang sigarilyo, at tinapunan si Mr. Black ng tingin.
“This time, I’ll make her beg for her life before I take it.”