SNOW POINT OF VIEW Nasa dalampasigan na kami, unti-unti nang bumabagal ang takbo ng jetski habang palapit kami sa shore. Hawak ko pa rin ang manibela, at nararamdaman ko ang banayad na hampas ng alon sa ilalim. Sa likod ko, si Davian—basang-basa, naninigas ang katawan, at walang imik. Pero ako? Halos mabulunan na ako sa kakapigil ng tawa. Sa gilid ng paningin ko, kita ko ang pagkakunot ng noo niya habang nanginginig na parang binuhusan ng isang baldeng yelo. Basang-basa ang buhok niya at pati damit niyang gray ay halos dumikit na sa balat. Tila bang isang naligaw na sundalong sinalubong ng unos. "Okay ka lang ba?" tanong ko, kunwari ay concern habang nakangiwi sa pagtawa. “Hindi,” mabilis niyang sagot. “Nilalamig ako, basang-basa ako, at napahiya ako. Sa harap mo.” “Wow, sa harap k

