SNOW POINT OF VIEW Nanatili akong nakaupo sa bleachers, bahagyang nakayuko habang ang damdamin ko ay parang isang kahong pilit kong sinisiksik pero ayaw magsara. Sa bawat palakpak at hiyawan ng tao, lalo lang bumibigat ang dibdib ko. Nakita ko kung paano binati si Davian ng mga tao, kung paanong para siyang isang alamat na bumalik mula sa anino—malakas, matatag, at walang bahid ng sakit. Pero ako lang ang nakakaalam… may sugat siya. Hindi lang sa balikat. Hindi lang sa katawan. Pati sa puso. At siguro, ako ang dahilan. Hinila ko ang suot kong baseball cap pababa para matakpan ang mukha ko. Kahit papaano, baka sakaling hindi niya ako mapansin. Pero mas lalo lang akong nainis sa sarili ko. Bakit ako nandito? Hindi ba’t dapat kalaban ko siya? Hindi ba’t may misyon ako? Bakit ako nag-aal

