Gusto ko magpalamig ng ulo kaya the next day ay pinili ko na puntahan si Jana, one of my friend in high school. Hindi ako makagalaw ng maayos sa mansyon pagkatapos ng nangyari. For sure lahat sila ang pangit na ng tingin sa akin.
Palabas na ako ng sasakyan nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaking naka-summer outfit. Natigilan ako at sinundan ng tingin ang lalaki. Hindi ko makita ng maayos ang muka niya dahil naka-shade ito at diretsyo lang ang lakad papasok ng coffee shop na pag-aari ni Jana, pero sobrang pamilyar sa’kin ang pangangatawan niya maging ang dulot ng presensya niya. Nagsi-taasan ang balahibo ko. Napalunok ako bago nagpasiyang pumasok na sa cafe.
Saktong pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan ang sasalubong sa akin. Syemay, no way, please. Nanginginig ang mga kamay ko, pati ang labi ko sa sobrang pagtitimpi na huwag mag-iskandalo sa shop habang nakatingin sa damit ko. Pigilan mo, Heaven. Basang-basa ang white t-shirt ko ng malamig na kape maging ang blue jeans ko ay natapunan din. What a good way to start a new day.
Binaba ko ang nakataas na mga kamay ko bago tumingin sa taong kanina pa nakamasid sa’kin. Hindi man lang nagawang humingi ng tawad sa ginawa niyang perwisyo. Isa pangnilalang na walang mudo. Kitang-kita sa muka niya na pinipigilan niyang matawa, naroon ang kaunting gulat pero mas gusto niya ang mang-asar. Kahit suot-suot niya ang shades niya ay makikita iyon sa ngiti niya.
"Punyemas ka!" nanggagalaiti kong sigaw.
Sinubukan ko na magtimpi pero may hangganan din ang pasensiya ko. I gritten my teeth as my footh move. Sinusubukan mo talaga ako, huh! Nasipa ko ang p*********i niya sabay siko sa likod niya dahilan para bumulagta siya sa sahig at namimilipit sa sakit.
“Boom panis. Panis na yang ari mo kaya, bye-bye na sa magandang lahi niyo.”
Kung nag-sorry ka lang sana nang maaga, edi tapos na. Tinignan ko siya sa huling pagkakataon at sinipa ang paa na nakaharang sa daraanan ko. Narinig ko ang daing niya pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad patungo sa opisina ni Jana.
Nasa loob ako ng opisina ni Jana habang naka-upo sa swivel chair kaharap ng office table niya. Pagkatapos nito akong pahiramin ng masusuot ay hindi na namansin. Nakatutok ito sa mga papeles kaya pinili ko munang manahimik. T-shirt at jeans lang ang matinong damit na mayroon si Jana kaya iyon ang hiniram ko. Lumipas ang ilang minuto at pumasok ang isang coffee stuff pagkatapos kumatok. Nariyan pa raw ang lalaking naka-away ko kanina. Naiinis na tumayo ako samantalang gulat naman na lumapit si Jana sa akin.
“What?” Hinawakan nito ang braso ko.
Naglakad ako palabas ng office nang hindi sinasagot ang tanong ni Jana. Pilit niyang sinusundan ang yapak ko. I roamed my eyes in the shop pagkalabas ko ng office natigil iyon sa lalaking nasa dulong bahagi ng coffee shop, katabi ng class wall. Maangas ang dating nito at may nang-aasar na expression sa muka habang sumisimsim ng kape at suot-suot pa rin ang shades niya.
“Sky! Please calm down!” mairin niyang paalala.
Lumapit ako sa puwesto ng lalaki habng nakasunod sa akin si Jana na pilit akong pinipigilan.
"Ano pa ba ang ginagawa mo rito?!" nagtitimping tanong ko nang makalapit ako.
Natatarantang hinawakan ni Jana ang braso ko at hinila paupo sa katapat na upuan ng lalaking ka-away ko. Muka siyang fuckboy. For me he's a fuckboy and a bad boy. A handsome fuckboy and I’m just being honest here.
Nakita ko kung paano siya ngumiti nang nakakaasar sabay simsim ng kape. Umayos siya ng upo, ang kaninang kaba at pagtindig ng balahibo ko ay napalitan ng inis dahil sa pagiging walang modo ng lalaking ‘to. Ibang klase talaga ang mga lalaki.
"Are you still here to say sorry, fuckboy?!" mataray at nakataas ang kilay na tanong ko.
Nakuyom ko ang kamao ko sa sobrang pagti-timpi. Mukang kailangan ko na ng tulong para sa angry management ko. Imbes na sumagot ang lalaki ay nang-aasar na umiling ito sabay paling ng ulo sa kaliwa. Parang slow motion na tinanggap niya ang shade niya.
I can feel my mouth open a bit in shock as I felt froze on my seat. Nagtama ang mga tingin namin. Kilala ko siya. Kilalang-kilala. Parang may malamig na bagay ang pumalibot sa akin, nanginginig ako sa kaba at takot. Ramdam ko ang patulo ng pawis ko kahit nilalamig ako. He can’t be here? How could he?
"Ang pogi naman heaven ng sinapak mo!" kinikilig na bulong ni Jana.
Nabaling ang tingin ng lalaki sa kaniya pero agad din na bumalik sa akin. Ano ba ang kailangan niya? Bakit siya nandito? Sino ba talaga siya?
"Ano pa ba ang kailangan mo? Kasi obviously, palabas ka na kanina, tapos bumalik ka ulit," inis na bulyaw ko sa kanya. "A, baka gusto mo pa ng round 2. Tara, game, sa labas tayo," naghahamon na sabi ko.
Ngumisi ito nang nakakaloka, para bang may naisip na kapilyohan. Gumalaw ang panga ko sa sobrang inis. Ano na naman ba ang nakakatawa? May nasabi ba akong funny?
"Round 2, puwede naman. Sure ka na sa labas natin gagawin?" pilyong tanong niya.
May naiisip 'ata kalokohan 'to napakunot ang nuo ko sa sinabi nya. Bat parang masama ang kutob ko sa sinasabi nya? Iwan, wag lang s'yang gagawa ng ikakainis ko talagang mapapatay ko sya.
“Madaming makakakita." Nakangising sabi niya habang tinataas-baba ang dalawang kilay niya. Naguguluhan na talaga ako, tinaasan ko siya ng isang kilay. Maya-maya pa ay humalagapak siya ng tawa. "Puwede naman kasi kotse, Heaven. Sa restroom."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ilang segundo pa bago nag-sink-in sa akin ang ibig niyang sabihin. Lumubo ang pingi ko. Pakiramdam ko naging kulay kamatis na ito. Nang-gagalaiti kong nasipa ang paa ko sa kaniya ngunit daplis lang iyon. Rinig na rinig ang malakas na tawa ng lalaking iyon. Nakakahiya siya kasama. Ramdam ko ang mga tingin na gawin namin dahil agaw pansin ang tawa niya.
"Bwisit," pabulong na sabi ko.
Tinakpan ko ang muka ko umayos ng upo. Samantalang nakangiti lang si Jana habang pinapanuod kami na para bang isa kami sa korean drama na pinapanuod niya. I’m not a green minded person pero basi sa itsura niya ay halata naman na iba ang gusto niyang iparating.
Patawarin nawa ako sa na-isip ko. Alam ko na hindi iyon tama. Kasalanan ng lalaking iyon kung bakit ko na-isip yun. Romance writer ako, pero hindi pa umaabot ang imagination ko sa mga ganoong bagay, hanggang kissing scene lang.
Naiinis na sininghalan ko si Jana dahil nakita ko itong palihim na kinikilig. Kalaban ang nasa kabilang upuan pero dahil sa itsura ng lalaki ay tumitiklop pati ang kaibigan ko. Dapat ay sa akin kumampi si Jana bakit parang natutuwa pa siya sa nangyayari? Kaibigan ko ba talaga siya?
"Hey, hey, hey, sorry." Pilit na pinigilan ng lalaki ang tawa niya. "Okay, okay, Heaven. Sorry."
Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan ko. Napatitig ako sa muka ng lalaki na hanggang ngayon ay kitang-kita na nag-e-enjoy siya sa ginagawa niyang pang-aasar. Ngayon ko pa lang siya nakasalamuha kaya dapat ay hindi niya alam ang pangalan ko. Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang sinabi niya kanina. Tama, tinawag niya rin ako sa pangalan ko. Hindi ko lang iyon pinansin dahil akala ko ay ibang ‘heaven’ tinutukoy niya.
"How did you know my name?!" I brows knitted while impatiently waiting for his answer. Nawala ang ngiti sa labi nito at napalitan ng seryosong tingin. Ilang sandali pa bago siya umayos nang upo at nag-iwas nang tingin "I'm asking you here, Sir."
“’Diba, kilalang writer ka? Baka naman isa siya sa mga reader mo, girl," bulong ni Jana sa tenga ko.
Inis na siniko ko si Jana dahil baka marinig siya ng kumag at I-dahilan din yun. Baka mamaya gamitin niyang dahilan yun para makawala sa tanong ko. We all know na hindi naman yun totoo.
"Alam kong hindi siya yung tipo ng tao na magbabasa ng romance book," pabulong na sabi ko kay Jana habang hindi tinatanggal ang tingin sa lalaking iniiwas na magtagpu ang tingin namin.
Ang likot ng mata ang sarap dukutin, masiyado siyang tensyonado gayong ang simpli lamang ng tinatanong ko. Nakataas ang kilay ko habang nag-a-abang ng paglingon niya. Naiinip na ako. Alam ko na siya ang lalaking nakikita ko sa mansiyon, alam kong siya ang laking nakatanaw sa veranda. Akala ko ay guni-guni lang yun pero nasa harapan ko ngayon ang patunay. Patunay na hindi ako nababaliw.
Ilang minuto pa bago niya sinalubong ang tingin ko. Sinabayan niya pa ito ng ni pagbuntong-hininga. May lungkot na mababasa sa mga mata niya. Ang lakas naman ng mood swing niya. Ano ba ang trip niya sa buhay?
Tama ang kutob ko habang palabas ako ng sasakyan. Malakas ang pakiramdam ko na nagsimula 'to lahat sa kanya o kung hindi sa kanya may kinalaman siya. Akalain mo nga naman kahapon lang ay nagwawala ako dahil sa sobrang frustration dahil sa hindi matinong sagot ng mga kaibigan ko pero ito na, ang sagot na mismo ang lumalapit sa akin.
"Ano magtitinginan na lang ba tayo rito?!" inip basag ko sa katahimikan.
Simula nang salubungin niya ang tingin ko ay nakatitig lang siya sa akin na para bang kinakabisado ang bawat sulok ng muka ko. Gandang-ganda lang? Nabaling ang tingin ko kay Jana para makawala sa nakaka-ilang na tingin ng lalaki. Napasimangot ako sa itsura ni Jana. Walang dulot. Nagpabalik-balik lang ang tingin niya sa akin at sa lalaki.
"Heaven, baka pwede timepers muna," naiilang turan ni Jana sabay hawak sa isang balikat ko.
Time freeze yun, shunga. Masamang tingin ang itinapon ko kay Jana. Ilang taon na pala siyang nabubuhay sa kasinungalingan.
"Sino ka ba talaga?!" this time ay kalmado ang pagkakatanong ko. Wala rin namang patutunguhan kung maiinis ako. Kahit pangalan lang, kahit iyon lang malaking bagay na iyon. “I'm asking here, hanggang kaylan ka ba mananahimik? Ikaw ba? Ikaw ba ang-”
"Kung ano man ang naiisip mo alisin mo na lahat ng yun," seryosong sagot niya.
Tumayo siya at naglakad paalis. Nang dumaan siya sa tapat ko ay agad akong tumayo at hinawakan ang laylayan ng damit niya. Hindi puwede na aalis na lamang siya ng basta-basta. Bakit ba ang hirap niyang kausap?!
"Sasabihin mo lang kung sino ka. Mahirap bang gawin yun alam kung-" hinawi niya ang kamay ko at malamig pa sa yelo ng tinitigan niya ako. Para bang may mali akong sinabi na kinagagalit niya. "Ano-"
Umalis siya ng hindi pinapakinggan ang sasabihin ko. Desperada na ako kaya hinabol ko siya. Na-abotan ko siya na binubuksan ang pinto ng driver seat. Hindi puwede 'to. Sigurado na ako. This time kailangan may malaman na ako. Hinawakan ko ang braso niya at naagaw ko ang atensyon niya. Just stare at me. Yung pakiramdam na 'to, yung mga tingin niya, alam kong siya yun.
"Tell me, ikaw yun ‘diba?!" kinakabahang tanong ko.
I’m so desperate to know everything. I can feel my hands tremble in nervous. Just one information, pangalan niya lang o anong puwedeng makakapagturo sa kanya na may koneksyon siya kay Mama, iyon lang sapat na.
Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko lalabas na ang lahat ng kinain ko kaninang umaga dahil sa presensiya niya. It was him.
From the guy na laging kausap ni Manang Sonya. Ang lalaking nasa veranda. Ang lalaking yun at ang lalaking kaharap ko ngayon. Kasama ko siya iisang bubong. Alam kong sya yun. I-isa lang sila ‘diba? Bakit hindi na lang nila sabihin? Bakit kailangan magtago pa? Ano 'to pa-intense?
Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ang biglaang pagpa-paalis ni Mama sa akin ni Mama sa sarili kong bahay without telling me the reason. Ang pagkakaruon ko ng bodyguard. Ang mga tanong ko na iniiwasan ng mga kasama ko sa bahay. Ang pakiramdam na lagi niya akong tinitignan, binabantayan. Sa kaniya nagsimula lahat ng ‘to. Kapatid ko ba siya sa ina?!
“Sino ka ba talaga?”
"Soy tu esposa, je suis ton mari."
Napanganga ako sa naging sagot niya. Napaawang ang bibig ko at na-istatwa sa kinatatayuan ko. Naguguluhan ako sa sinabi niya. Kinuha niya iyong pagkakataon para umalis siya sa harap ko at pinalipad ang sasakyan niya paalis. Ano yun? Iyon lang? Aalis na lang siya ng hindi niya pinapaliwanag kung ano ang sinabi niya? Ano ba siya sa akala niya? Diwata?