Chapter 15

2733 Words
Heaven’s Point Of View   Nagising ako sa malamig na temperatura nang paligid. Ang tahimik nang lugar. Marahang binuksan ko ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang dating kuwarto na ginamit ko noon. Nandito na naman ako? Ano ba ang nangyari?    The coffee aroma makes me stay calm. The blue crystal wall, the sala set on at the side of my bed near the door was the same arrangement before. My forehead creased when I saw Joshua sleeping peacefully on the sofa. Ang akala ko ay iniiwasan ako ni Joshua. Anong ginagawa niya rito?   Marahan akong bumangon kahit pumipintig ang sintedo ko. Ang sama ng pakiramdam ko parang gumising ako sa isang masamang panaginip. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Bakit wala akong maalala sa nangyari?   Umupo ako nang maayos at akmang tatawagin si Joshua pero naudlot nang marinig ko isang mahinang daing. Kung kanino ay hindi ko alam. Kaya ayoko sa ospital e. Takot na napalingon ako sa kanang bahagi ng kama ko. What the? Anong ginagawa niya rito?   Nanlalaki ang mga matang napatakip ako ng bibig habang nakatitig sa maamong muka ng lalaki. Siya ang lalaking nasa coffee shop ni Jana. Pala-isipan sa akin kung anong ginagawa niya rito samantalang ilang buwan na niya akong iniiwasan. Ito na ba ang tamang panahon na hinihintay ko?   Shetang, kailangan ko lang pala ma-ospital para mapalabas siya sa lungga niya. Napangiwi ako dahil sa naisip. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako dahil sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko.   Maingat na umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan ang muka ng binata. Mukang masungit kapag hindi nakangiti mukang anghel naman kapag nakangiti. Napakunot ako nang mapansin ang malaking peklat sa likod ng tenga nito. Mahaba iyon at umabot hanggang leeg. Parang nahiwa ng kutsilyo. Ang ganda pa naman ng kutis niya nasira dahil sa peklat. Napasimangot ako dahil doon. It less of my concern.   Napansin ko ang paggalaw ng pilik-mata nito. Gising na ang mukong nagpapanggap lang. Mabilis na humiga ako sa kama at nagpanggap na tulong. Hindi pa ako handa na maka-usap siya. Isa pa ay hindi ko rin alam ang sasabihin.   Naramdaman ko ang pagkilos nito hanggang sa naramdaman ko ang paglapit nito sa akin. Naikuyom ko ang mga kamao ko sa ilalim ng kumot. Shetang, hindi ako magaling sa ganito. Baka mamaya dumilat nang kusa ang mga mata ko. Unti-unti ay palakas nang palakas ang nararamdaman kong hininga na lumalapit sa leeg ko. Nagdulot iyon ng kakaibang kiliti. Bumilis ang t***k ng puso ko. Napadalas ako na sana ay huwag niyang babalakin na halikan ang leeg ko. Asumeng ka, Heaven.   “Heaven Sky Enricoso Carreon. Gigising ka or hahalikan kita,” pabulong na banta nito.   Sa boses nito ay mukang nakangisi ito. Napalunok ako bago marahang dumilat. Hindi ako handa rito. Nagtagpu ang mga tingin namin, sa lapit at tangos ng ilong niya ay dumidikit na sa ilong ko. Matapang na sinalubong niya ang mga tingin ko.   “Neknek mo,” nanginginig ang boses na sabi ko. “P’wede ba, ilayo mo nga yang muka mo.” Marahang hinawakan ko ang balikat nito at tinulak ito palayo.   Ngumisi ito bago umayos ng tayo. Umiwas naman ako nang tingin. May mga tao talaga na sa tingin pa lang nito ay masisindak ka na. Isa na ang lalaking ito sa mga taong yun. Umikot ako pahiga para humarap sa direksyon kung nasaan si Joshua, para maka-iwas lang sa tingin ni Cosmer.   Mr. Cosmer Carreon, Ceo of Carreon hotel, ano ba talaga ang kailangan mo?   Ang bilis nang kabog ng dibdib ko. Syembre alam ko na ang mga susunod na mga mangyayari pero ayaw tanggapin ng utak ko. Shetang, isang dalagang pilipina na matagal iningatan ang puri at gustong maranasan na maligawan magigising na lang na may asawa na? Ano yun? Straight to the point? Walang process? Walang getting to know each other?   Mas naloloka ako sa ideya na hindi man lang ako niligawan bago ako pakasalan. Kung alam ko lang na ipinagkasundo ako ni Mama kung kanino, pumayag na sana ako magpaligaw kahit kanino. Pero malay natin hindi lang ‘to basta ipinagkasundo. Sigurado na involve ang pera dito.   “Ano ba ang kailangan mo?” inis pero may mababang boses na turan ko habang nakatingin ako sa paanan ko.   “Ikaw…”   “Kinakausap kita ng maayos kaya sana naman sumagot ka rin ng maayos.”   “Maayos ang sagot ko, Heaven. Pero ano ba ang gusto mong marinig?”   “Yung totoo,”   “Pagsinabi ko, iiwan mo ako.”   “Sino ka ba sa buhay ko?”   “I’m your-”   Nagsisimula pa lang kami mag-drama nang biglang tumunog ang tiyan ko. Naiilang na tumingin ako kay Cosmer. Hindi naman siguro narinig pero tumigil siya sa pagsasalita. Kainis naman bakit ngayon pa?   Ang tagal naman kasi magising ni Joshua. Nahihiya naman ako na istorbohin ito dahil siguradong pagod ito sa byahe. Nahihiyang ngumiti ako kay Cosmer. Para sa pagkain walang hiya hiya.   “Um, nagugutom na kasi ako. Wala bang pagkain diyan?” parang maamong tupa na tanong ko.   Lumawak ang ngiti nito sabay iling. Kumunot naman ang noo ko dahil inasta niya. Para kasi siyang natatawa.   “Nung nakaraan lang galit na galit ka sa akin ngayon ang bait-bait mo.” Nagpipigil nitong tawa habang nagsasalita.   “Bibigyan mo ba ako ng pagkain o hindi?” inis na sagot ko.   “Kapag gutom ka nagiging halimaw ka,” pabulong nitong sabi.   “Hoy! Bawiin mo ang sinabi mo!” Tinuro ko siya habang inis at masamang nakatingin sa kaniya.   “Heaven, What’s happening?” rinig kong inaantok na tanong ni Joshua.   Gulat na napalingon ako kay Joshua. Salamat naman na gising na siya. Bumangon ako at sumimangot sa kaniya. I don’t want to wake him up intentionally but he woke up because of me unintentionally.   Marahan na lumapit si Joshua sa kama ko habang kinukusot ang kaliwang mata niya. Halata sa kaniya na inaantok pa siya, magulo ang buhok nito at mapupungay pa ang mga mata. Umupo ito sa tabi ko habang ang isang braso nito ay nasa likuran ko.   “Why? What’s wrong? How are you?” kunot-noo na tanong nito.   “Nagugutom na ako.” Nakasimangot na sagot ko. Inaantok na tumawa ito. Nahinto nang humikab siya. Lalo tuloy akong napasimangot sa reaksyon niya.   “Tinatanong ko kung may masakit ba sayo, hindi kung nagugutom ka.” Nakangising sabi nito.   “Bibigyan mo ba ako o hindi?”   Natatawang pinitik nito ang noo ko bago tumayo. Sinundan ko lang si Joshua nang tingin. Pumunta ito sa long table na nasa tapat ng kama ko. May mga plastik bag doon. Nakatingin lang ako kay Joshua habang inaayos niya ang mga pagkain sa harap ko.   Cosmor stay silent while watching me. Napa-isip tuloy ako kung bakit nga ba ako nandito at kung bakit nandito si Cosmor. Natapos si Joshua sa pag-ayos ng pagkain at sumabay na sa pagkain ko. Tahimik na tumulala lamang ako habang kumakain.   “Heaven… Kamusta ang pakiramdam mo?” panimula ni Joshua sa usapan.   Natauhan ako nang marinig ang nag-aalalang boses ni Joshua. Ibinababa ko ang kutsara at napatitig sa kaniya. Ano nga ba ang nararamdaman ko?   Nahihirapan ako kasi hindi ko alam ang isasagot ko. Tirik na ang araw mula sa labas. Wala akong maalala sa nangyari. Parang may kulang, parang may nawawala pero hindi ko alam kung ano. Ano bang klaseng pakiramdam ‘to?   “Joshua… Bakit nasa hospital na naman ako?” naguguluhang tanong ko.   Nagtatakang ibinababa ni Joshua ang kutsara at tinidor niya sabay tingin sa kasama namin. Kita ko ang pag-I-isang linya ng mga kilay nito bago umupo sa hinihigaan niya kanina. Bakit ganoon ang mga reaksiyon nila? May mali ba sa sinabi ko?   “Hindi mo ba maalala, Heaven?” puno ng pagtataka na tanong ni Mr. Carreon.   Isip-isip, Heaven. Binalikan ko isa-isa ang mga nangyari. Sa coffee shop, sa hotel, sa bahay ni Jana. Napapikit ako nang unti-unti ay bumalik ang alaala ko sa nangyari sa bahay ni Jana. Ano ba talaga ang kailangan mo Jana? Ano ba talaga ang nangyari two years ago? Why so agitated to bring back what happened two years ago samantalang paulit-ulit nang pinapatay iyon ng mga tao sa paligid ko?   Ilang beses ko narinig ang pagtawag ni Joshua sa pangalan ko pero parang lumalabas lang iyon sa kabilang tenga. Parang wala akong kontrol sa sarili kong katawan kaya hindi ko siya magawang lingunin.   “Heaven, may masakit ba sayo?” nag-aalalang tanong ni Joshua sabay marahang yugyog sa balikat ko.   I blinked my eyes multiple time before I nodded tiredly. “Uhm, naalala ko na. Si Jana… Nasaan nga pala siya?”   Kung hindi kayang magsalita ni Cyrene about what happened two years ago pwes nakahanap na ako ng tao na handang magsalita sa nangyari dati. Kailangan ko makausap si Jana. Kailangan ko siya ngayon. Baka siya na lang ang taong may lakas nang loob magsalita.   “She’s gone…” bored na sagot ni Joshua.   Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sagot niya. Inis na hinawakan ko ang baba ni Joshua at iniharap sa akin. Natigil siya sa akmang pagkain at gulat na tumingin sa akin. Mas gulat ako sa sinagot niya. Tinakot niya rin ba si Jana gaya nang ginawa nila kay Cyrene?   I know I’m not yet sure about Cyrene pero si Joshua lang naman ang pwede kong sisihin dahil siya lang naman ang over protected sa akin plus pa iyong nangyari na tumakas ako sa mansiyon. Alam ko na may tinatago siya sa akin.   “Anong she’s gone?” pagalit na tanong ko.   “Tsk, I don’t know, okay? Basta! Wala, tulog, umalis.” Kumawala siya sa pagkakahawak ko at agad na kumain.   Naiinis naman na pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa harap ng dibdib ko. Pasaway talaga siya kahit kailan. Siya pa itong may ganang mainis samantalang wala namang kwenta sagot niya. Naiinis na tinitigan ko ito. Mabilis siyang mailang kapag tinititigan.   Ilang segundo pa ay hindi na ito mapakali. Panay ang tingin nito sa akin sabay iiwas ng tingin. Sigi, tignan natin kung sino ang unang susuko. Sigurado naman ako na hindi ako ang mauunang susuko.   Maya-maya pa ay padabog na binaba niya ang kutsara at tinidor bago ako tinignan nang masama. Ang lakas talaga ng loob niya. Hindi niya man lang naisip na may kasalanan pa siya sa akin. “Heaven, tumigil ka na okay? Isang araw ka nang tulog what do you expect from her? That she will stay her na walang ligo? Sa arte ng babaing yun baka nga unahin pa niya ang maligo kahit nag-a-agaw buhay ka na rito.”   “Wait. What? Isang araw akong tulog?” tumaas ang boses ko habang nanlalaki ang mga mata. Isang araw akong tulog, puwedeng pinatahimik na nila si Jana. Mas lalong kailangan ko siya mahanap. “Nasaan siya? Hindi ba siya nagpaalam?”   “Ano bang pakielam ko sa babaing yun?” napipikon na sagot ni Joshua.   “Kaibigan mo siya Joshua…” halos pabulong na sagot ko.   Bakit ganiyan siya magsalita? Parang ibang Joshua ang nasa harap ko ngayon. Ang layo niya sa Joshua na kaibigan ko.   “Kaibigan? Huh! She put your life at risk! Kung kaibigan pa rin iyon para sa iyon. Pwes, wala siyang kuwentang kaibigan,” puno ng galit na sagot nito.   “Ang sakit mo naman magsalita,” nanlulumo na sabi ko.   Ang sama ng bibig niya. Mabuti na lang at wala si Jana rito. Paano na lang kung narinig niya ang sinabi ni Joshua?   May gusto si Jana kay Joshua, siguradong masasaktan siya. Ano ba naman kasi ang nagustuhan niya kay Joshua? Ang sama kaya ng ugali ni Josh. Daig pa niya ang may regla, buwesit araw-araw.   “Heaven, I think you need to eat your food now and take a rest after,” sabat ni Mr. Carreon bago tumayo at lumabas ng pinto.   Nakasunod lang ang tingin ko kay Mr. Carreon hanggang sa makalabas ito. Nawala sa isip ko na nandito siya. Napapailing na lamang bago tinuon ang pansin sa pagkain. Galing sa isang kilalang fast food chain ang pagkain na hinain ni Joshua. Mukang siya ang bumili nito dahil alam niya ang mga paborito ko na siyang nasa mesa ngayon.   Nag-aalala ako kay Jana. Nakagat ko ang pag-ibabang labi ko bago tumingin kay Joshua. Since nandito na siya wala na siyang kawala sa mga tanong ko. Kung hindi si Jana ay siya na lang. Pero bago ang lahat may gusto akong itanong sa kaniya tungkol kay Jana. “Joshua, puwede magtanong?” malambing na tanong ko sa kaniya.   Tumaas-baba ang Adams Apple ni Joshua dahil sa paglunok niya ng pagkain bago sumagot. “Oo naman.”   “Uhm, wala bang pag-asa na magkagusto ka kay Jana?”   Nagbago ang timpla ng muka nito. Nanlalambot na binaba niya ang mga hawak niya bago hinarap ako na naka-poker face. May masama ba sa sinabi ko? Ang sabi niya pwede magtanong. Ang daya.   “Seryoso ka ba diyan, Heaven? Psh, wala. Kahit kailan wala. Huwag mo na rin ipagpilitan pa.”   Malungkot na tumango ako sa naging sagot niya. Ang bilis naman ng sagot niya hindi man lang pinag-isipan. Nagtanong si Joshua kung mayroon pa ba akong tanong. Tumango ako bilang tugon.   “Uhm, nasaan ka nitong mga nakaraang araw bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?”   “Busy sa trabaho, sorry…”   “Busy?” Tanging tango lamang ang sinagot nito. “Pero nagawa mong puntahan si Cyrene…” nagtatampong dugtong ko. “Bakit nasa bahay ka niya nang dis oras nang gabi? Sinong kasama mo magpunta sa bahay ni Cyrene?”   “Hindi ko alam ang sinasabi mo, Heaven. Kailan ba nangyari itong tinutukoy mo?”   Sa magandang temperatura ng kuwarto ko ay nagawa pang pagpawisan ni Joshua. Napalunok pa ito dahil sa sinabi ko.   “Dalawang araw pagkatapos nang pa-party ni Cyrene.”   “Iyon ba? Nag-alala kasi ako kay Cyrene, kasi mag-isa lang siya sa apartment niya. Masama na kasi ang pakiramdam niya noong hinatid namin siya ni Justine sa apartment niya.”   “Kasama mo si Kuya… Kung ganoon, bakit inabot ng isang araw bago kayo dumalaw? Hindi ba dapat kina-umagahan pa lang bumisita na kayo?”   “May asawa na si Justine kaya busy siya. Naging busy rin ako sa trabaho.” Lumunok ito bago nag-iwas ng tingin.   “Kung ganoon sinong naghatid sa akin?”   “Si… si… Hindi ko maalala.”   “Sinungaling…”   “Si Cosmer!” agad na buwelta nito pagkatapos marinig ang sinabi ko.   Umangat ang sulok ng aking labi dahil sa natataranta niyang sagot. Ang bilis niyang mahuli. Tinanong ko siya kung kilala niya ba si Cosmer. Sa tinginan nila kanina ay halata namang magkakilala sila. Sa pangalawang pagkakataon ay nagsinungaling si Joshua nang umiling siya bilang sagot sa tanong ko.   Pabagsak akong humiga sa kama na nakaangat kaya nagmu-mukang nakaupo ako. Tinitigan ko siya habang nakangiti.   “Alam mo ba kung ano ang pinaka-ayoko sa lahat?” Nakangising tanong ko. Tumango ito habang nakayuko. “Ano?”   “Ayaw mo na pinagmumuka kang tanga.”   “Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa, Joshua. Sabihin mo na sa akin ang totoo.”   “Pinuprotektahan ka lang namin… Ang totoo ay malala ang naging kondisyon mo kaya hirap kang maka-alala. Maling trigger lang namin sa’yo ay puwedeng mabura ang lahat ng alaala mo. Pumunta kami ni Justine sa bahay ni Cyrene para balaan siya na hindi niya pwedeng sabihin sayo na si Cosmer ang naghatid sayo. Na kung sino si Cosmer sa buhay mo. That’s it. She said yes, she know what will happened to you kapag minadali ang pagpapaalala sayo.   Mapapahamak ka, Heaven. Mas magiging mahirap para sa iyo. Alam ko na kilala mo na si Cosmer kaya sinasabi ko ‘to. But some information still need to put aside until you remember it all, all by yourself.”   Finally I’m at ease. May dalawang tanong na lang ang hindi pa nasasagot. Anong kinalaman ni Mama rito, at kung anong ibig sabihin ni Joshua na napaghiwalay na niya kami ni Cosmer dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD