Chapter 5

1961 Words
"Argh! My head!" nahihirapan na sigaw ko habang pinupukpok ang ulo. Halos matawag ko na lahat ng santo dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. This is the reason why I hate beverage pero wala akong choice kapag si Cyrene na ang nag-aya. She's horrible if you say no. "The heck, I wanna die now." Nagpagulong-gulong lang ako sa kama habang hawak ko ang ulo ko. Tinawag ko na ‘ata lahat ng santo sa bawat pintig ng sentido ko, kahit ang totoo hindi ko saulo lahat ng pangalan na yun. Parang sasabog ang ulo ko sa sakit. Ang lagkit pa ng katawan ko dahil sa pawis. Ang init sobra, nakakairita. Naghalu-halo ang sakit ang emosyon ko. After a minute pagpasyahan kong maligo para mahimasmasan kahit paano. Kahit may hangover pa at pinilit kong maglakad habang hawak-hawak ko ang ulo ko, pakiramdam ko kasi ay babagsak iyon sa sobrang bigat at madadala ang buong katawan ko. Ayoko na talaga uminom ng alak. Bakit ganoon? Masarap sa una masakit sa huli? MABILIS akong naligp, wisik-wisik lang basta dumaloy lang ang malamig na tubig sa katawana ko ay ayos na sa akin iyon. When I’m done taking a bath, I wore my home clothe and went to the kitchen. Hinihilot ko pa rin ang sentido ko habang bumababa ng hagdan.  Nasa last step na ako ng hagdan nang may marinig akong boses ng isang lalaki sa loob ng utak ko, parang alaala iyon na pilit pumapasok. Wife I tried to remember where I heard that voice. Kanino boses iyon? Bakit pamilyar? Sandali, sinong naghatid sa akin pauwi ng mansiyon? Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi. Bumalik sa isip ko ang alaala nang naduduwal ako at pinilit kong makapunta sa restroom. Hanggang doon lang ang naalala ko. Kasunod niyon ay tanging boses na lang ang naririnig ko, boses ng lalaki. Mas lalo lang sumasakit ang sentido ko kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at binalewa sa isip ang boses ng lalaki na pilit gumulo sa isip ko. "Manang, fresh milk please po," medyo antok na sabi ko nang makita si Manang sa dining area. Parang gumagawa ng clubhouse sandwich si Manang. Gusto ko sana itanong kung para kanino ang sandwich na iyon pero dahil masakit ang ulo ko shut up na lang muna ako. Pagod na umupo ako sa dating puwesto at ipinatong ang noo sa mesa. Medyo masakit ang pagkakapatong ng noo ko sa mesa dahil napalakas iyon. Mayayari ako nito kay Dad pagnalaman niya ‘to. Ayaw ni Dad na umiinom ako dahil babae raw ako, dapat maging maingat ang babae, hanggang’t maaari sa loob lang ng bahay umiinom, may punto naman si Dad dahil bukod sa nasa bahay ka, ay kilala mo ang mga kasama mo sa bahay, hindi katulad sa bar, kung saan na hindi mo kilala ang mga tao ay wala kang habol. "Ito, hija. Masakit ba ang ulo mo? Gusto mo ba kumuha ako ng gamot?!" nag-aalalang tanong ni Manang bago nilapag ang baso ng fresh milk malapit sa uluhan ko.  Tamad na umiling ako habang nakapatong pa rin ang ulo sa mesa. Mukang okay na si Manang. Naka-recover na sa ginawa ko noong nakaraan. Kinapa ko ang mesa para hanapin ang basa, nahawakan ko naman ito nang hindi natatapon. Gatas lang sapat na. Isang malupet na sekreto. Hindi ako marunong uminom ng tabletas. "Sigi, ayaw mo nga pala sa mga gamot… Gusto mo ba ng makakain?!" Paano nalaman ni Manang na ayoko sa mga gamot? Nasanay kasi ako syrup ang iniinom ko noong bata ako kaya nadala ko hanggang sa pagtanda ko kaya nga ayokong nagkakasakit dahil tutunawin lahat ng tabletas at ang masama ay sobrang sama ng lasa pero wala naman akong choice. "Maybe, pancake with strawberry syrup po, Manang," bagot na sagot ko.  Ini-angat ko ang ulo ko saka uminom ng gatas. Hm, this is my head reliever. Paunti-unti ay sumisimsim ako ng gatas habang hinihintay si Manang na dumating. Maya-maya pa ay nilapag ni Manang ang pancake kasabay nito ang lalagyan ng strawberry syrup. Tinignan ko lang si Manang bago ito umupo at nagtanong. May gusto rin akong itanong. "Maayos ba ang pakiramdam mo?!" tango lang ang naisagot ko. Mamaya na ako magtatanong, mukang may itatanong pa si Manang. Kinuha ko ang kutsara na nasa ibabaw ng pancake at kumain. "Wala ka bang naalala kagabi?!" mahinhin na tanong ni Manang Napatigil ako sa pagkain, inilapag ko ang kutsura sa mesa at napaisip sa nangyari kagabi. Gaya kanina ay wala pa rin akong maalala. Madalas talaga ay wala akong naalala sa nangyari pagkatapos kong uminom lalo na kapag sinasabayan na ng antok. Kapag inaantok talaga ako ay parang bangag ako kaya wala akong naalala.  Tinignan ko si Manang at nakita kong nag-a-abang siya sa I-sa-sagot ko. Hindi ko alam sagot sa tanong niya. Masakit na ang ulo ko, mas lalo pa siyang sumakit ngayon dahil sa tanong ni Manang. Wala akong maalala kahit anong pilit ko. I-untog ko kaya ulo ko hanggang sa maalala ko. Gusto ko rin maalala ang nangyari kagabi dahil sa boses na yun. "Hmm, medyo blurry ang lahat, Manang. I don’t know, maybe because of the dim light and I was so drunk, kaya blurry ang mga naalala ko," kalmadong sagot ko. I saw how she felt relief to my answer. Maingat niyang pinakawalan ang malalim na hinga sabay harap sa kanang bahagi niya. I know something happened yesterday, at ayaw ipaalam sa akin ni Manang iyon, pero bakit?  Iwinaksi ko ang mga haka-haka na naiisip ko at pinili na lamang na manahimik. Hindi magandang mag-isip nang kung anu-ano Nagpatuloy ako sa pagkain, nagpaalam naman si Manang na aalis muna dahil mamamalengke raw ito. I decide to rest for the whole day dahil pa rin sa hang over ko. This is the life I am dreaming for, freedom, kalayaang matagal ko nang sinikap na kunin. I have business, a small business pero kaya akong buhayin, magandang career, at utang na matagal ko nang nabayaran. KINAHAPUNAN ay napagpasyahan ko tumambay sa swimming pool. I wore a simple white sando and sport short. Tanging phone at earphone ko lang ang dala ko. Wala akong balak na magtrabaho today, a good treat for myself.  Nahiga ako sa sun lounger bago sinuot ang earphone at nagpatugtog ng harmony songs. This kind of music always keep me calm. Nakakatulog din ako kapag nakikinig ako nito. Napabuntong-hininga ako habang inaalis ang mga gumugulo sa isip ko. Baka sa ganitong paraan ay maalala ko kung kaninong boses ang narinig ko. NAGTUNGO ako sa restroom ng mga babae habang kumukuha ng suporta sa pader na nadadaanan ko. Gumigiwang na ang paningin ko. Naduwal ako kaya napahinto ako at sumandal sa wall, pero walang lumabas na pagkain o tubig man lang sa bibig ko. Saktong pag-angat ko ng tingin ay nahagip ng mata ko ang isang lalaki na nakatayo sa labas ng restroom ng mga lalaki. Malabo ang muka nito sa paningin ko. Natigil ang pagtitig ko sa kaniya nang biglang umikot ang paningin ko at sikmura ko kaya dali-dali akong nagtungo sa banyo na ilang hakbang na lang ang layo sa kinatatayuan ko. Pumasok ako sa banyo at hindi nag-abalang I-sarado ang pinto. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang isang presenya sa likod ko. I looked at the mirror pero blurry ang paningin ko. I felt a hand caressing my back, para bang pinapakalma nito ang pagsusuka ko. Hinayaan ko lang siya bago ako muling nasuka. Kumuha ako ng suporta sa lababo at pumikit habang kinakalma ang sarili. Maya-maya ay bumuti ang pakiramadam ko kaya naghilamos at nagmumog ako. "You’re drunk, hon," a man said. I heard a whisper from my back. Nahihilo pa rin ako but I tried to looked at the mirror and there, I saw a man behind me with his white long sleeve polo but still his face is blurry in my eyes. Lumunok ako para mabasan ang bigat sa dibdib ko. Nang magkalakas at umayos na ang sikmura ko ay humarap ako sa kaniya. Sino ba lalaki na ‘to? Hindi kaya r****t ‘to? Kidnapper? Hindi pala ako kid? Adultnapper? Walang ganoong word… aish.  Tinulungan niya akong tumayo ng maayos pero dahil sa kalasingan ay umasa ako ng lakas sa kaniya. Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko habang hawak-hawak ng isa niyang kamay ang kanang siko ko. Magkaharap na kami ngayon, at ramdam ko ang katawan niya na nakadikit na sa akin. "You’re so drunk, hon. Let's go home, you’re making me worry, babe," he said while looking straight into my eyes.  Anong pinagsasabi niya? Adik ba siya? Nada-drugs yata ‘to. Nasa delikadong tao pala ako. Nakaramdam na naman ako ng pagkahilo. Sa sobrang hilo ko ay naipatong ko ang ulo ko sa balikat ng lalaki. "I’m not your f*****g wife, mister," I mumbled and tried to looked at him.  Kusang yumakap ang dalawang braso ko sa bewang ko. Before the darkness ate me, I saw his smirked and whisper something on me. Inaantok na pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. “You are my wife legally.” NAPABALIKWAS ako ng bangon habang sabay hawak sa dibdib ko kung saan parang kakawala na ang puso ko sa ribcage. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, pinagpapawisan ako ng malamig. Hinihinga ako na para bang galing ako marathon. Umihip ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili. Napapikit ako para kalmahin ang sarili. Pabagsak na humiga ulit ako sa sun lounger habang nakapikit. I placed my arms on my eyes, to cover it. Hindi ko inaasahan ang pagpatak ng ilang luha galing sa kaliwang mata ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako umiiyak? Muling bumalik sa isip ko ang panaginip ko kanina. Hindi lang basta panaginip iyon, parang totoong nangyari, parang alaala na nagbalik. Nagsitaasan ang balahibo nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako nagising. Nakaramdam ako ng tao sa paligid ko, pakiramdaman na may malapit at pinagmamasdan ako. May kung ano rin na dumampi sa labi ko. Mabilis lang iyon, gusto ko mang kumilos ay parang naparalisa ang buong katawan ko. Huminga ako nang malalim sabay upo ng maayos. Hindi puwede na ganito na lang lagi. Limang buwan na. Ayoko na maging clueless sa mga nangyayari. Kung kinakailangan na abangan ko si Mama araw-araw sa bahay ay gagawin ko. Kung kinakailangan na pilitin ko si Mama na magsalita ay gagawin ko. Kaya ko ba? Paano kung hindi sinasadya ay ma-disrespect ko si Mama? Ang iniiwasan ko ay huwag tumaas ang blood pressure ni Mama. Mabilis pa naman ma-stress yun sa simpling bagay. Ang hirap naman nito. Baka mamaya nagtatanong pa lang ako himatayin na yun. Ugali pa naman ni Mama na kapag hindi niya sinabi ay huwag ka na magtanong dahil wala akong balak na sagutin yan. Mas mabuti siguro kung simulan ko muna sa maliit na bagay na may posibling konektado sa mga nangyayari. Tumayo ako at iniwan ang cellphone kasama ang earphone sa sun lounger. Gusto ko magbabad sa malamig na tubig. Umupo ako sa pangawalang baitang ng hagdan sa pool. Hanggang bewang ko ang taas ng tubig. Pagabi na, siguro ay around four in the afternoon. Panaginip na naman, hindi lang ito ang unang beses na naginip ako na parang totoo ang lahat. Ang panaginip ko ngayon ay iba sa panaginip na madalas dumadalaw sa akin tuwing gabi pero parehas ang naramdaman ko sa mga panaginip na yun. Ayon sa mga nababasa ko ay ang mga panaginip daw ay may mga ibig sabihin. May posibilidad kaya na kilala ko ang lalaking nasa panaginip ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD