"Ano ba, Gabriel?! Bitawan mo nga ako!" Malakas na sigaw ko sa kaniya at wala na akong pakialam kahit magmukha akong pangit sa paningin niya. Lumaki na ang mga butas sa ilong ko at ganoon din ang mga mata ko dahil sa inis.
Para akong dragon na nag-uusok na sa galit at gusto kong may mabugahan at mapagbuntungan.
But what should I expect? As if naman kung pakikinggan niya ako.
"Sinabi ko na ngang ayaw kong sumama sa 'yo. Bakit ka ba namimilit sa akin?! Ano ba ang mahirap intindihin sa mga sinabi ko sa 'yo?" Sunod-sunod na tanong ko at hindi ko maintidinhan kung bakit niya ba ginagawa ko ito kung labag naman sa kalooban niya. "Hindi na ako bata at siguro naman nakakaintindi ka rin?"
Patuloy ako sa pagmamatigas at hindi ko na mapigilan ang sarili kong saktan siya.
Nadala na ako ng galit kaya napagbuhatan ko siya ng aking mga kamay. Kaliwat-kanan ang gamit ko sa paghampas.
Ngunit kahit anong lakas nang paghampas ko sa kaniya, ayaw niya pa rin akong bitawan. Ni hindi ako pinapakinggan.
"Boyfriend ka lang ng Ate Nana ko pero wala kang karapatan sa kung ano ang gusto kong gawin at sa hindi. Matuto kang lumugar dahil hindi naman tayo close!" Sigaw ko nang malakas. Wala akong pakialam kahit maamoy niya ang ang matapang na alak na ininom ko.
At muli ay nagwagi na naman siyang ikulong ako sa kotse. Hindi rin ako makagalaw ng alerto dahil nanghihina na rin ako. Mas lalo din akong nahilo dahil sa kakagalaw ko.
Hindi ko na rin napansin ang pag-ikot niya sa kabilang banda ng kotse dahil sa hilo.
Narinig ko lang ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya alam kong nasa loob na rin siya ng kotse.
Ang akala ko ay aalis na kami kaagad. Pero hindi ko napansin ang pag-usad ng sasakyan at hindi ko rin narinig ang pagbuhay ng makina.
Nang lingunin ko siya ay nagkasalubong ang aming mga mata.
Bagay na bagay talaga sa gwapo niyang mukha ang kaniyang mga mata. Sa tuwing natatamaan ng sinag ng araw ay mas lalo itong gumaganda. Kumikinang at nakakaakit pagmasdan ang maabo nitong kulay.
"Maria, why are you acting like this?" nag-aalala niyang tanong sa akin. "Pati ang Ate Nana mo ay sobra na ring nag-aalala sa 'yo," mahinahon niyang paliwanag sa akin at pilit na pinapagaan ang aming usapan.
"Ayaw kong umuwi. Gusto kong mapag-isa!" may diin kong sabi at tinapangan ang aking sarili para labanan ang titig niya.
Sa mga oras na ito, parang ibang Gabriel ang nakikita ko.
Hindi siya iyong Gabriel na pala desisyon sa buhay ko.
Hindi ako sanay sa mga nakikita ko sa mga mata niya. Parang naaawa ito sa akin. Hindi ko alam pero ayaw ko ang ganoong pakiramdam. Para bang ang liit na rin ng tingin ko sa sarili ko.
"f**k you!" sabi ko at wala na akong ibang maisip na sabihin dahil sa inis at muli na namang binuhay ang galit ng binata.
Umiigting na ang bagang niya dahil tila nauubusan na ito ng pasensiya sa akin.
Mukhang nahihirapan na nga ito sa pagmamatigas ko.
Gusto ko lang naman sabihin na ayaw ko munang umuwi dahil sa tuwing nasa bahay ako. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, para akong sinasakal.
Kahit ang mga kilos ko ay parang de numero. Lahat ng galaw ko ay binantayan nila at ako lang yata ang pinagtsitsismisan sa buong mansyon.
"Sa ayaw at sa gusto mo, uuwi ka ngayon," matigas niyang sabi at masyadong maawtoridad.
Hindi ako makakapayag na kontrolin ako ng isang lalaking hindi ko naman ka-ano-ano.
Kaya pagsisisihan niya kung bakit siya nanghihimasok siya sa buhay ko.
Hinding-hindi makakalimutan ni Gabriel ang araw na 'to dahil pinilit niya ako sa isang desisyon na hindi ko naman gusto.
Total naman lahat sila ay ayaw sa akin. Kahit nga si Ate Nana nararamdaman kong napapagod na rin siya sa akin.
Lahat naman sila ay nagsasawa na sa pagmumukha kong ito.
Para sa kanila ay isa lamang akong kahihiyan sa pamilya.
Kinalma ko ang aking sarili dahil wala na akong magawa.
Ni-lock ni Gabriel ang kotse at hindi na ako makalabas.
Tinitigan ko siya ng may kahulugan, iyong tingin na alam kong maiilang siya dahil sa aking ginawa.
Napakagwapo niya talaga. Kung hindi lang siguro nababalot ng galit at inggit ang puso ko, baka wala akong bukang bibig kundi ang purihin siya.
Pero malapit na siyang maging kabilang ng pamilya namin. Sa susunod na buwan ay magpapakasal na sila ni Ate Nana. Kaya kabilang na rin siya sa mga kinaiinisan ko.
Dahil kinamumuhian ko ang sarili kong pamilya.
Ilang saglit lang ay kinuha niya ang personal cellphone niya na tanging mahahalagang tao lang sa buhay niya ang nakalagay roon sa contact.
"Babe, she's with me," panimula ni Gabriel at sinabing ihahatid na niya ako sa bahay. Ni hindi na nito binanggit pa ang pangalan ko.
Isang malalim na buntonghininga ang kaniyang pinakawalan bago ako muling binalingan nang tingin.
Nalulungkot ako at alam kong ganoon din ang mga mata kong nakatitig sa kaniya.
"Ang swerte talaga ng ate ko sa 'yo, Gabriel. Ang mga mata mong kulay abo ay talagang nakakabighaning tingnan. Hindi ba siya nagseselos sa tuwing sinasabi mo sa kaniya na nakita mo ako at ihahatid sa bahay? Hindi ba siya natatakot na baka maagaw ka ng iba" sunod-sunod na tanong ko ngunit tahimik lamang siya sa kaniyang pwesto at hinahayaan lang akong magsalitang mag-isa. "Ang matangos mong ilong ay hindi pangkaraniwan dahil para itong inukit nang maingat at dinahan-dahan upang maging perpekto ang pagkakaayos. Ang mga labi mong mapula ay nakakaakit din na may perpektong hugis," tila wala sa sarili kong sambit. "You are perfect in every way and you have the sexiest smile on the planet," patuloy kong puri sa kaniya.
He smirked. "Then I will take that as a compliment," mayabang nitong saad "And about what you ask. She won't be jealous because she loves you and she trust me."
Tumagos sa puso ko ang sinabi niya. Mahal ako ng kapatid ko kaya hindi ito nagseselos sa akin at may tiwala rin ito sa fiancé niya.
Tumango ako. "Alam mo bang naiinggit ako sa kaniya. Lahat ng gusto ko ay napapasakaniya. Sa tuwing nag-iisa lang ako, napapatanong ako sa sarili ko. Ano kaya ang pakiramdam ng buhay na meron siya? Siguro ang saya-saya niya dahil nasa kaniya na ang halos lahat... tapos dumating ka pa. Minsan kapag nasa kwarto ako, ini-imagine ko na akin ang buhay niya kasama ka," sinsero kong amin sa kaniya. Gusto ko lang maramdaman kung ano ang pakiramdam na nakukuha ang lahat ng madali-an.
Nakitaan ko ng gulat ang kaniyang mukha. Mukhang hindi niya inaasahan na sasabihin ko sa kaniya ang nilalaman ng utak ko.
Inayos niya ngayon ang pag-upo sa driver seat at naiilang na tinitignan ako. Marahil ay iniisip niya na pinagtitripan ko siya.
Kumunot din ang noon niya kasabay ng pagsalubong ng kaniyang mga kilay.
"Maria, she's your sister. You shouldn't say tha—"
Pinutol ko siya sa kaniyang sasabihin at pinalapat ko ang aking daliri sa kaniyang mga labi.
Sa pamamagitan lamang ng aking hintuturo ay nagawa ko siyang patahimikin at hindi na rin nakapagrelamo pa.
Nararamdaman ko ang lambot ng mga labi niya sa aking daliri at naaakit akong halikan ang mga iyon habang tinititigan ito.
Muli na naman akong nakaisip ng isang matinding kasalanan na magtatakwil sa aking angkan.
Ang angkinin ang mga labi ng lalaking hindi ko naman pagmamay-ari.
Pumungay ang mga mata kong nakatingin sa kaniya at napansin kong naiilang siya sa posisyon namin.
Malapit lang ang mukha ko sa kaniya at isang kilos ko lang ay masusunggaban ko na ang mga labi niya.
"Alam mo bang ilang beses ko nang napapanaginipan na hinahalikan ko 'to," mahinahon kong wika at tinutukoy ko ang mga labi niya. "Sinisipsip at kinakagat habang pinapalandas ko ang aking mga palad sa iyong katawan," dagdag kong sabi at ang bawat lumalabas sa aking bibig ay aking ding ginagawa. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot nang lakas para gawin itong kapilyahan ko. Hinaplos ko ang kaniyang dibdib at mabilis naman niyang hinuli ang aking kamay.
Mahigpit niya iyong nilayo sa kaniyang katawan at siningkitan ako ng kaniyang mga mata na para bang pinagbabantaan ako.
Sa halip na mahiya ay hindi ko siya pinansin. Gaano man kasama ang tingin niya sa akin ay nawalan na rin ako ng pakialam.
Nasimulan ko na, ngayon pa ba ako aatras.
Pero hindi ako nagpatinag at tila wala itong sapat na lakas nang bawiin ko sa kaniya ang aking kamay.
Tiningnan ko ang matalik niyang kaibigan na nakatago sa ilalim ng kaniyang pantalon at mukha namang may epekto sa kaniya ang aking ginawa.
Sino ba naman ang sandatang makakaiwas mula sa panlalandi.
Natural sa mga lalaki ang tigasan at nararamdaman ko na bumubukol na ito ngayon dahil sa sobrang tigas.
Parang gusto na ngang sumilip sa akin at handang magpasubo ano mang oras upang maramdaman ang init ng aking bibig.
Kahit pa hindi ko hawakan, alam kung handa na itong makipagsagupaan sa matinding laban.
Ang sarap niya sigurong bumayo, iyong sagad sa lakas nang tulak na halos tumalsik na ang Ate Nana ko.
Umiinit na rin ang katawan ko. Lalo na sa tuwing nahuhuli kong lumulunok si Gabriel.
"Ano kaya ang mararamdaman mo kapag yumakap ang mainit kong palad sa iyong p*********i?" malandi kong tanong. "Pipigilan mo ka kaya ako o hahayaan lang na masarapan ka?" dagdag ko at mas lalo pang inakit ang tanong sa kaniya.
Hindi ko rin alam kung bakit nag-iba ang tono ng aking boses. Namamaos ako na para bang kakagising ko lang sa pagtulog.
"Maria, huwag kang magbiro ng ganiyan. Mabuti pang i-uwi na kita," pinal niyang sabi at bubuhayin na sana ang makina.
Pero hindi ako pumayag. Tahimik akong nagreklamo at mabilis na gumawa nang hakbang bago pa niya magawa ang plano nitong paghatid sa akin.
Nilapat ko ang aking palad sa umbok na niyang harapan at marahang hinahaplos ang kaniyang p*********i dahilan para mapasinghap siya. Nadadala at nagugustuhan ang aking paghimas.
Alam kong mali ang aking ginawa. Paano ba hindi magiging mali ang isang pang-aakit kung ginagawa ko ito mismo sa fiancé ng Ate Nana ko.
Pero hindi ko na mapigilan ang sarili kong magdiwang.
Napangiti ako dahil sa munting ungol na binitawan ni Gabriel. Ang kaniyang pagsinghap ay isang palatandaan na naaapektuhan siya sa aking ginagawa.
Nagugustuhan ko at inaamin ko na talagang masarap sa pandinig.
Kaya mas lalo lang akong ginanahan na magpatuloy at lumalalim ang kagustuhan kong maangkin siya.