6: Meeting with his family

1971 Words
The next next day KRIIINGGG "Mmmmm?" tamad na sabi ko [Huy! Donya! Gising na! Anong oras na? Anong oras na?!] Umupo naman ako sa kama ko habang nakakunot yung noo pero nakapikit pa rin yung mata "Ella naman eh! Ang aga aga, ginising mo ako para lang tanungin kung anong oras na?! Bumili ka kaya ng relo para malaman mo! Tsss leche ka!" Baba ko na sana yung call ng bigla kong makita yung orasan. 6:40 Namulat agad yung mata ko sa nakita ko. Totoo ba toh?! Agad ko naman binalik sa tenga ko. [Hehehe late na po kaya ikaw,magtitime na hindi ka parin bumabangon.Hindi mo ba alam may event ngayon ang may ari ng school] sabi ni Ella. Ahhh buti naman akala ko pa naman may klase ngayon huhuhu jusko po Ella! Kundi lang kita kaibigan! Hay nako. Atsaka Ano naman kung malate kami sa event? May part ba kami dun? Buti sana kung may goodies silang ipamimigay sa mga nanonood habang nangyayari yung event eh. Eh hindi eh! Tsss. [Hoy babae! Punta ka ngayon dito kundi...] "Aish! Osige na sige na. Teka asaan ka na ba?"tanong ko at kinuha yung tuwalaya [Asa gate n-----] bigla nman naputol yung sinabi nya. Tinignan ko yung phone ko, hindi naman nagend yung call. Wala bang signal? "Ella???" [Omygosh] yun lang ang nasabi nya Gaano na kaya kalaki yung bungaga nito hahahahah de jk "Uy anong nangyari dyan?" After 2mins sumagot narin sya [Sabihin mo nga saakin kailan pa naging kayo ni Joaquin?] O_____O "Anong pinagsasabi mo dyan?" [Osya magbihis ka na at pumunta agad dito sa school kung ano ang pinagsasabi ko. Ikaw ha! Joaquin ka na pala] Anong... Wait naalala ko na yung kagabi! Grabe ulianin na ba ako pero wala akong naalala na umoo ako sakanya ang naalala ko lang ay... Nagusap lang kami yun lang pero ano yung nakita o narinig ni Ella. SHET ano yun?? Lagot talaga saakin yung Joaquin na yun. Aish! Sino ba sya para magdesisyon para sa iba?! Tss nagtanong pa sya kung pwede, yun pala sya rin naman pala masusunod. "Ate Lyn!...Ate Lyn!... Ate Lyn!" tawag ng pinsan ko na si Mary.Bumalik ako sa pagkatulog "Ate ate ate" "MMMMM??" Hahaha kunyakunyarian kakagising lang "May bisita po kayo"sabi nya naganang gana "Sino??" "Edi yung boyfriend nyo daw po....si Joa---Joaquin!!" Nagising ulit ako sa sinabi nya. "AHHH!!!!!!!"sabi ko at nahulog sa kama. Aray ko po! Huhuhu. Teka panaginip lang ba yun, ay mali mali... Bangungot lang ba yun? Hay salamat naman kung ganun! Mukhang nagising na ako "NAK! MAY NAGHIHINTAY SAYO DITO SA BABA" Sigaw ni mama. Hala! Hindi pa ba talaga ako totally gising? Huhuhu Hanggang dito ba naman susundan nya ako!!! Langya!. Padabog akong tumayo at naligo na tapos nagbihis na ng school uniform at nagayos baka kasi kung ano pang sabihin nun nakakahiya andyan pa naman sila mama at tita. Pagkababa ko agad kong nakita sya nagbabasa ng magazine,buti pa ganyan nalang sya lagi ang amo ng mukha parang walang gagawing masama "Oh anak ang tagal mo naman,kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo"sabi ni mama. Tinignan ko naman sya ng hindi kapanipaniwala. Boto ka??? "Ay okay lang po yun mama kahit malate kami atleast sabay kami pumunta ng school"sabi nya sabay pumunta at akbay saakin. Mama??? Nabibingi na ba ako sa mga pinagsasabi nila "Ay ang sweet ha osige kumain na muna kayo"sabi nya. Mukhang nabingi na nga ako. Parang bangungot, jusko hindi pwede toh. Ahhhhh!! Lyn, gising. "Osige po susunod nalang po kami"sabi ni Joaquin at may inilabas na t-shirt. "Oh sootin mo"sabi nya,tiningnan ko yung t-shirt na binigay nya. Black yung sleeve tapos yung buo eh pink at may nakalagay na babae na parang may kakahawak kamay.Tiningnan ko naman yung soot soot nya ganun din yung style pero black yung sleeve at blue yung buo tapos lalaki naman yung sakanya.Cute pero Baduy! "Ano toh couple shirt?! Ayoko nga at diba uniform lang ang required?"sabi ko at tinuro yung uniform ko "Ngayon yung araw namakikilala ka ni lolo at sya yung may ari ng school na pinapasukan natin at para mas maniwala sila dapat tayo magsoot ng ganito parasweet. Diba?" "Sweet,sweet? Baduy kamo.Ayoko nyan, psh. Pasootin mo na ako ng kahit na ano, wag lang yan" sabi ko at binalik sakanya yung t-shirt tsaka tumalikod "Buti sana kung totoong tayo" "Huh?" "Tsss. Umalis ka na nga dito!" pagtataboy sakanya. Kainis kasi eh, umagang umaga sinisira nya araw ko! "Mamili ka ikaw ang magsosoot o ako" sabi nya sabay smirk Agad kong tinakpan yung dibdib ko habang nalilinsik ang mga mata sakanya.  "Bastos" sabi ko at pumasok na sa room na kasama yung t-shirt na bigay nya. Bakit kasi required pa toh sa gusto nya pwede naman kahit wag na.Wala na akong choice kundi soot itong napakabaduy na t-shirt at tinernohan ko ng shorts. Bumalik ulit ako sa sala para makaalis na rin kami "Mmm.Pwede na po?"sabi ko,napatutula sya saakin "Huy.okay na ba?"sabi ko ulit sabay kaway sakanya dun naman sya nabalik sa dati. Eto pala yung sinosoot ko tulala agad paano pa kaya kung mas bongga na rito "Ummm. Pwede na rin tara na baka malate pa tayo" "Hmp. Napanganga ka nga eh" sabi ko na nakangiwi habang hinatak na nya ako "Psh"  Inirapan ko nalang sya kahit hindi sya nakatingin. Nagpaalaman na rin kami kila mama at tita at umalis na. Nagmamadali kasi tong kasama ko eh, akala mo pagabi na sa pagmamadali. At the venue "Akala ko ba sa school tayo pupunta,eh asaan tayo ngayon??" tanong ko,pagkababa ko ng kotse nasa isang bahay ata kami rito. Ay wait hindi pala bahay, MANSION. "Sinong nagsabi na sa school tayo pupunta? at kung sa school tayo pupunta edi sana pinagpantalon kita,baka may bumastos pa sa sayo doon at baka may manilip pa sayo"sabi nya at sinarado na yung pinto ng kotse "So pagikaw okay lang na mangbastos saakin,pag sa iba bawal" "Ganoon talaga,boyfriend mo ako eh" sabi nya at kumindat saakin. Napairap naman ako dun. Jusko hilig netong kumindat akala ata kinagwapo na nya yun. "Atsaka wala naman silang sisilipin" "Hahahahaha oo nga tama ka dyan hahahah buti nalang kinorect mo ako"sabi nya at tiningnan ko sya ng masama "Well Andito na pala kayo. Hi Joaquin and hello my dear"sabi nung isang maganda,sexy at maputing babae na pumunta rito. Ate nya ba ito? "Hello po"sabi ko at nakipagbesobeso,shosyal! "Ay kanina pa pala kayo hinihintay sa loob halikana"sabi nya at sumunod nakami. Bigla naman hinawakan ni Joaquin yung kamay ko na agad ko naaman tinanggal Akala ko titigil na sya at hindi na nya kukuhain yung kamay ko pero bigla ba naman nya ako inakbayan, Dugdug Dugdug Nung tinignan ko naman sya ayun parang wala lang. Sanay na sanay talaga etong lalaking toh. Psh Pagkapasok namin,agad kaming pinagtinginan ng mga tao halos lahat ata sila relatives ni Joaquin ang gwagwapo at ang gaganda kasi pero except kay Joaquin hahaha bawal ata ang panget sa angkan nila eh, buti sinama nila tong lalaking toh HAHAHA. Shetness overload! Nakakahiya, grand entry kami! Ano bang occasion? Tinanggal na ni Joaquin yung pagkaakbay nya saakin para makipagbeso beso sa ibang relatives nya "Ow! Thank goodness, Joaquin. You're here and you brought a guess too"sabi nung medyo may edad na pero ang sosyal parin yung dating,Mommy nya kaya ito? Nginitian naman nya ako so nginitian ko din sya "And who is this beautiful girl here"sabi ng isang lalaking biglang na lang sumulpot at inakbayan pa ako. Muntikan ko pa ngang masuntok dahil sa gulat ko eh buti nalang hinatak agad ako ni Joaquin sa tabi nya kundi... Naku naku uuwi tong may blackeye sa mukha. "Ay ako nga po pala si Evangeline Tampipi, fri----"naputol yung sasabihin ko ng biglang nagsalita si Joaquin "She's my girlfriend"sabi nya at hinawakay ng madiin yung kamay ko,tiningnan ko sya ng masama at tiningnan din nya ako ng masama,I lost. Tinignan nya ulit yung lalaking umakbay saakin "So she's off-limits" "Ay nice to meet you. I am Joaquin's Grandmother. You can call me lola or if you want you can call me tita as well para kasing magkasing edad lang kami ng mommy nga eh"sabi nung may edad na at yung tinuturo nyang mommy ni Joaquin ay yung sexy na babae kanina,nalilito na ako ha. "Ma naman" "Hahahah si lola talaga oh,tara na bebs kain na tayo"sabi ni Joaquin at hinatak ako sa may upuan Bebs???? Ganda ha. Grabe napakaunique na tawagan. Kasama namin sa table ay yung mga pinsan nya, kasama na rin doon yung lalaki kaninang umakbay saakin.Lahat ata yung lalaki rito ay cassanova eh! "So Lyn paano kayo nagkakilala ni Joaquin?"tanong ni Yume,nakakatandang pinsan na babae ni Joaquin may pagkahalf chinese ata sya. "Paano pala sya manligaw?Strict po ba o hindi kasi never as in never sya nagpakilala ng girlfriend dito sa family"sabi ni Hannah ,youngest sa pinsan nila,Kikay at mukhang matalino "Chickboy ba yan si Joaquin?"sabi Yen,kapatid ni Yume. Nako patay I'm not ready paano toh hindi ako nakapagpractice! Hindi naman kasi sinabi saakin tong si Joaquin na may ganito ganito pala edi sana may naprepare akong speech hahaha jk. "Ganito kasi yan,yung summer ata kami nung una kami nagkakilala.Niligawan nya ako agad pero syempre hindi ko pa sya sinagot kaya hanggang friends la-----"naputol yung sasabihin ko yung biglang nagsalita si Joaquin "Ano ka ba bebs diba ikaw yung unang nagkagusto saakin,tapos yung sa sobrang kakulitan mo eh nagustuhan agad kita kaya ayun tayo na"sabi nya,grabe hindi kaya ako ganun "Ano ka ba bebs nagkaamnesia ka ata eh hindi mo ba natatandaan ay muntikan ka nang magpakamatay dahil gusto mo nangsagutin kita at dahil mabait ako kaya kita sinagot"sabi ko with a evil smile "Mukhang ikaw ata yung nagkaamnesia bebs,ikaw yung habol ng habol saakin noon at sa sobrang dami ng nagkakagusto saakin babae lumalaban ka hanggang sa umakyat ka sa rooftop ng school at sinabi mo na kung gaano mo ako kamahal" "Oh that's so sweet kuya tell us more"sabi ni yen.At tumingin saakin si Joaqin na nakapangaasar na mukha. Argh! Hindi ako magpapatalo Meron pa akong sasabihin eh! Inunahan akong pinsan mong yan!. "Ay diba sabi nyo po alam nyo kung ano yung gusto ng isa't isa sabihin nyo kung anong gusto ni ate Lyn"sabi ni Hannah.It's time for revenge "What is her favorite color?"sabi ni George,panganay sa kanilang lahat. "Ummmm..... pink" "Mali kaya blue kaya yung favorite ko" Bigla naman kumunot yung noo nya. Blue naman talaga eh hahaha. Pasimple naman akong nagbelat hahaha. "Next What is her favorite snack?' "Bread" "Nope noodles" "Kaya ka pala tumataba ng ganyan"sabi nya. Malusog naman kesa sa tingting na. Tsss "What is her favorite event?" "Her birthday" "Nope christmas" yung tipong konti nalang masusuntok na nya ako hahaha. Ginusto mo toh eh hehe. "Ayoko na pagod na ako"sabi ni Joaquin at nagwalk out Hahahahaha Asar talo. Bleh! hahahahaha "Hala ate Lyn wala palang alam si kuya Joaquin tungkol sayo hahhaha"sabi ni Yen "Hayaan mo na yung alam nya lang kasi ang pangalan ko hahahaha"sabi ko at nagtawanan kaming lahat. Hahaha buti nga pero paano kung gumanti yun,okay lang andyan naman yung family nya Wahahahaha. "Chief!" Lahat sila nagpuntahan doon dahil sa matandang dumaan lang pero infairness ahh ang gwapo parin nya. Eto ba yung lolo ni Joaquin? "Chief, I want you to meet my girlfriend ang kaisa isang bebs ko" pagpapakilala ni Joaquin saakin Kaisa isa? Maniwala kayo dito sa apo nyo. Tsss Tiningnan ako ng lolo nya taas hanggang baba at napahinto sa mata ko. So creepy naman nitong lolo ni Joaquin kung makatitig wagas! Parang si Joaquin. Dito siguro sya nagmana. Kahit creept nakipagtitigan pa rin ako sakanya hehe bigla naman syang napangiti at pinat yung shoulder ni Joaquin "Palaban. Hmmm I like the attitude kahit hindi ko sya masyadong kilala" sabi ng lolo havang tinuturo ako "Welcome to the family!" sabay yakap saakin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD