"So ano na ngayon ang plano mo gurl? Hindi mo naman pwedeng hiwalayan si Joaquin ng ganun ganun lang" sabi ni Marion. "At mas lalong hindi ka pwedeng magging selfish sa buhay ng pamilya mo" sabi naman ni Ella. Grabe nakatulong talaga sila. Grabe. "Aish! Nakakalito!" "Nakakalito talaga ang pagibig gurl, masanay ka na." sabi naman ni Cass. Nilubog ko naman yung mukha ko sa unan ko at dun nagsisigaw sigaw. Andito kami ngayon sa bahay nila Ella, tambay muna daw at magkwentuhan tapos ayun na nga nakwento ko na sakanila yung sinabi saakin ni papa at sinabi ko na rin sakanila na pakiramdam ko palaging may umaaligid saakin... Saamin. "Oh? Asan na ngayon ang forever na sinasabi mo?" Pangaasar na tanong ni Cass. Inangat ko naman yung ulo ko at nakakunot yung noo na nakapout pa yung labing

