Ayun na nga.
Nasa likuran lang ako ni Boss Cleo at parang aso na sumusunod sa lakad niya.
Formal pala gusto niya, ah. Fine!
Hihintayin ko nalang siyang tanungin ako at pormal kong sasagutin. Ba'la siya sa buhay niya. Kala niya d'yan, ah.
Di kami bati!
Ibinaling ko nalang ang sakit ng damdamin ko pati ng dede ko na nangingirot sa mga naggagandahang damit dito sa Boutique.
Bakit kaya sa pang Women Section si Boss Cleo pumunta? Siguro bibilhan niya ng damit yung kapatid niya o di kaya---may girlfriend na siya!
Erase---Erase!
Wala 'kong pake sa status niya noh! Pormal lang tayo. Chill lang Madona.
"hold this". napalingon ako kay Boss Cleo na may hawak na mga terno ng formal attire sabay bigla niyang ibinigay saakin.
Mabuti nalang at nahawakan ko lahat kung hindi baka pagalitan ako nito. Ibigay ba naman ng patulak, pshh!
"good morning po, ma'am, sir". bati saamin ng babaeng nasa counter.
Kita ko ang daming pinamili ni Boss Cleo at kita ko ding nabibigatan na ako sa mga damit na hawak ko.
Dapat pala kumuha nalang ako ng pushing cart!
"yaya nyo po, sir?". asuserang sambit ng cashier kay Boss Cleo.
Napatingin naman ako kay Boss pero wala siyang ibinigay ni pake sa tanong ng babae. Napayuko nalang ang cashier at pinagpatuloy ang pagcompute kung magkano lahat ng binili ni Boss.
Muntikan na akong mapadila sa babae dahil sa daldal ngunit nabawi ko dahil biglang nagsalita si Boss.
"oo". walang pakeng sambit nito.
Kita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa labi ng babae kaya napataray nalang ako at nakinig.
"she's my secretary". huling sambit ni Boss bago niya kunin ang limang paper bag mula sa iba't ibang brand ng boutique.
Ngingiti na sana ako kasi ang buong akala ko ay siya na ang magbibitbit ngunit kinuha niya lang pala ito para ibigay saakin.
Parang magiging magkaaway kami ngayon ni Cleo, ah. Dati friend ko siya ngayon enemy na.
Sumakay na ako ng kotse niya at inilapag sa likod ang mga bag. Doon na din ako umupo para comfortable.
Nang pasakay na si Boss Cleo ay kita ko ang pagsulyap nito saakin ng mabilisan ngunit inalis niya rin kalaunan. Nagtataka ako dahil hindi niya pa din pinapaandar ang kotse niya.
"is there any problem, Boss Cleo?". pormal na tanong ko. Nilakihan ko na din ang boses ko para astig tignan.
Kita ko ang inis na tingin nito saakin. Nailang na ako dahil tila papatayin niya ako sa mga tingin niya. Mabuti nalang at inalis niya din ito at pinaandar na ang sasakyan.
Whoo! Nakalanghap din ng lamig!
"Boss Cleo". tawag pansin ko sa kanya habang nagdadrive ito. Hindi niya ako tinitignan pero kita ko sa mata nito ang sungit. Problema na naman nito?
"kanino ba 'tong pinamili mo? Ang dami masyado". pagpapatuloy ko kahit na kinakabahan sa isasagot niya.
Gagstu, kahit makulit ako, maayos naman ako noh. Ayaw ko pang matanggal sa trabaho. Ke bago bagong babae, matatanggal agad. That's a big no no!
"tss. Sa'yo lahat 'yan. It's all yours". mataray na sambit nito.
Bigla naman umatake ang kilig ko sa katawan. What I mean, paggiging madamdamin kasi binilhan niya ako ng mga susuotin. Ito talagang kaibigan ko, oh!
"dati". hindi ko namalayang sambit ko dahilan upang mapatingin sa akin si Boss Cleo mula sa prismatic rear-view mirror or front mirror.
"what do you mean, it's all yours-- dati?". kunot noong sambit saakin ni Cleo.
Gulat akong napatingin dito sabay kamot ng pulso ko dahil nangati ito. "ahm, hehe. That's..... n-nothing Boss".
Nahihiya akong tumingin sa kanya habang sinasabi ito. Mabuti nalang at pinabayaan na niya lang ito at pinanlakihan niya lang ako ng ilong sabay baling sa daanan.
"tss. Baliw...". rinig kong mahinang singhal ni Boss ngunit binaliwala ko nalang iyon at binaling ang tingin sa mga bag na may mga damit ko daw lahat.
Hindi ko mapigilang iimagine sa utak ko ang itsura ko kapag nakasuot na ako ng mga isa sa damit na iyon.
May off-shoulder kaya doon? Nilabas ko ang salamin ko sa bag at dahan dahang ibinaba ang magkabilang strap ng dress ko at tila nais gayahin ang nakikita kong off-shoulder na damit.
"h-hey! What the fu*k are you doin'!". bigla biglang sigaw ni Boss Cleo na nagpagitla saakin.
Gulat akong napahawak sa dibdib ko na sobrang lakas ng kabog dahil sa sigaw ni Boss.
"b-bakit Boss?". kinakabahang sambit ko sa hindi malamang dahilan.
What did I do wrong?
Kita kong tumigil din ang sasakyan at itinabi niya ito sa gilid bago ako sigawan.
"what the fu*k are you saying bakit?! You just did taking off your dress--or so whatever!T-that's so fu*kin' insane!--- Gosh!". hindi makapaniwalang sambit saakin ni Boss Cleo na tila namumula na sa galit.
Gulat naman akong napatingin sa strap ng dress ko na naka steady lang sa babang balikat ko. Napataka ako ng mukha sabay tingin ng sarili sa salamin kong kinuha ko lang sa side mirror ng kotse na abandonado malapit sa eskinita saamin.
Anong mali dito? Binaba ko lang naman para icheck kung bagay ba saakin 'yung off-shoulder, ih.
Bumaling ulit ako sa galit na galit na si Boss Cleo at tinignan ito ng tila inosenteng mukha. Kita ko ang hindi pagbabago ng galit na mukha nito kaya sinubukan kong hawakan ang strap ng dress ko na nagpausog sa kanya sa upuan.
"B-boss". tawag ko dito nang nakita kong tumahimik ito at tumalikod ngunit kita kong napapikit ito at napahawak ng mahigpit sa manibela.
"B-boss... B--".
"fu*ck!". sigaw na naman nito na nagpagulat mula sa tahimik na sasakyan.
"what's the problem Boss Cleo? Just tell me". seryoso kong sambit dito.
Nanatili pa din itong nakapikit ng mariin kasabay ng paghilamos niya ng mukha gamit ang palad na tila frustrated.
"fu*k, fu*k, fu*k! Stop seducing me!". rinig kong mahinang singhal nito sa sarili na nagpakunot sa noo ko.
Nakuha ko ang nais nitong sabihin kaya umayos ako ng upo at iniangat na ang strap ko.
"Boss, let's go. It's late-night". mahinang sambit ko. "I'm ready, Boss----i-I mean, ayos na po ang suot ko. I'm not seducing you anymore--well, I really didn't seduce you". namumulang sambit ko dito.
Nagkaroon lang ng katahimikan habang ako ay mas ginustong hintayin nalang si Boss Cleo na gumalaw para umalis na kami. Ano ba kasing nangyayari sa Boss kong ito. Bigla biglang sisigaw! Akala naman nakakita ng multo.
Nakita kong huminga ng malalim si Boss bago niya paandarin muli ang kotse at hinatid na ako sa bahay namin--ko---namin...ni Mama! Ok ka na?
Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang bahay ko pero siguro sa documents ko, baka tinignan niya.
****
Pumasok ako ng office ni Boss Cleo ng maaga suot ang branded pencil skirt with button-down blouse na binili kahapon ni Boss Cleo.
Hindi ko mapigilang mapangiti at mapalakad ng pang model nang mapansin kong madaming tumitingin saakin. Maski si manong guard na hindi na chinek ang bag ko kung may baril ba akong dala o wala. Kahit meron ako, bigay sakin ni mama para sa emergency kung may umaway saakin dito. Pistol lang naman kaya maliit, hehe.
Pumasok ako ng opisina ni Boss Cleo at sinimulang ayusin ang mga bagay bagay. Dahil nga ako ang secretary, kailangan kong kumausap ng mga clients at mag take note ng schedule para kay Boss Cleo.
For now, wala pa namang madaming gagawin. Makikipagmeet lang siya kay Mr. Bonito Margarito at Mrs. Margarita Margarito para sa business na bagong papatayuin ng mag-asawa sa lugar nila sa Bulacan, Bulacan. Kumbaga hihingi sila ng gabay kay Boss Cleo, sunod na kausapin pagkatapos ang Pamilya Montangeros para sa suplies na malapit na maubos at pagkatapos ay kakausapin niya din ang Pamilya Mousium (mawsiyum) na gustong sumali bilang bagong stock holders ng Bogxzs Company.
Wala pa naman si Cleo kaya nilibot ko muna ang office niya. Yung office ko naman nasa katabi lang nito at napakaganda nito. By the way, lipat tayo sa office ni Boss Cleo Dim na tila kulang nalang lagyan ng kabaong para mapagkamalan mong lamayan ito.
Halos black and white kasi ang theme ng office niya, tila bagay sa ugali niya na seryoso at tila patay na--charot! 'Wag naman sana, ampogi pogi pa naman ni Boss, sayang ung lahi--charot!
Babalik na sana ako sa my wonderful own office nang maagaw ng pansiin ko ang wall clock kay naisipan kong pagpalitin ko ang itim na average wall clock ni Cleo sa cute wall clock ko na color pink. 'La lang, hindi naman niya ata mapapansin, hehe.
Nangmatapos kong maikabit ito ay mabilis akong pumunta sa office ko na tila may tinataguan. Baka kasi mahuli ako ni Boss Cleo, baka maginit na naman ito sa galit.
Nang maikabit ko na sa wall ko ang wall clock ni Boss Cleo, ay malawak ang ngiti kong nag rest sa swivel chair ko habang iaangat sana ang kamay para ipatong sa ulohan ko pero hindi ko maiangat dahil sa button-down blouse ko na sobrang nipis at natatakot ako na baka mapunit. Ka bago bago pa naman.
Pipikit muna ako sandali ngunit bigla akong kinabahan nang marinig kong sumigaw si Boss Cleo mula sa loob ng office niya na nagpabalikwas saakin.
"JENNY MENDOZA!!!".
Kinakabahan akong pumunta ng mabilis sa office ni Boss Cleo nang marinig ko ito. Pagkabukas ko ng pntuan ay nagulat ako dahil tila chill lang ang mukha nito na parang walang nangyari.
Haluh! Baka ganito talaga mukha niya pag nagagalit, chill lang pero galit talaga siya. Baka paluin niya ako, kinakabahan ako sa kanya!
Mama ko nga hindi na ako pinapalo, si Boss Cleo na ata ang papalit!
"yes Boss Cleo!". nakatindig kong pormal na sambit dito.
Malakas ang t***k ng puso ko nang wala man lang itong sinasabi ni isang salita bagkus ay nilibot niya ang mata niya sa buo kong katawan na nagpanginig sa katawan.
Haluh! Baka gahasain ako ni Boss Cleo dahil pnagpalit ko ang wall clock naming dalawa! --- pero ok lang, makakaiwas ako. Remember! May dala akong pistol! Sabay kapa sa bewang ko pero hindi ko pala dala bag ko.
Pa'no na 'toh!
"Why are you late?". seryosong sambit nito.
"Boss, I've been here, early. I'm just at my office, resting and waiting at you". magalang na sambit ko.
Nakita kong tumango lang ito bago mag salita na naman ng panibagong salita. "where's my schedule?".
Napaangat ako ng ulo. "um... wait me up, Boss. I forgot to carry". sabay akmang lalabas na ng office ngunit nagpahabol ito.
"Wait. Please, my secretary, always remember that you MUST carry my schedule list... Always".
"yes, Boss Cleo". tango ko at nagmadali nang umalis.
Kasabay nito ang paghinga ko ng malalim. Tila nawala ang kaba ko at parang nakawala ako sa tensyon sa loob ng office dahil kinakabahan akong mapagalitan dahil sa pinaggagagawa ko.
Kasabay ng pagpulot ko ng shedule list ay tinanggal ko na din ang wall clock ni Boss Cleo sa akin. Sasabihin ko na lang sakaniya na pasensya. Uunahan ko na siya para hindi na nya ako pagalitan sa susunod na araw na mapansin niya na pink 'yung wall clock niya.
Kita kong napatingin si Boss Cleo sa clock na dala ko kaya napayuko ako. Paniguradong papagalitan na naman niya ako. Ang kulit mo kasing Madona ka ih!
Agad na akong nagsalita para maunahan ang pagsermon saakin. "I'm so sorry, Boss Cleo. I will never repeat this anymore. My bad". nakayuko kong paliwanag.
"What did you have done?". seryosong sambit ni Boss saakin.
"I'd put your wall clock to mine and exchange my wall clock to your office, Boss--but don't worry, I'll put it back an--".
"no need".
"Sorry?".
"no need to replace. It's kinda cool when there's a little bit of change in my office. Pink was kinda matched at my black and white theme". seryosong paliwanag nito na nagpabuhay ng kalamnan ko.
Hindi ko inaasahan na sasabihin niya ito. Wala na akong nagawa kundi ang mabiilis na pagbalik ko ng wall clock niya sa wall ko at maaliwalas na ngiti ang ibinigay ko dito.
"by the way, Where is my 'to do' list?". pagpapaalala nito.
Masigla akong lumapit sa kaniya at ibinigay ang clip board na hawak ko. "ito po, Boss!".
Nagkaroon ng katahimikan at tila tunog lang ng airconditioner ang maririnig mo habang si Boss Cleo ay tila nakapoker face.
"what the f*ck do I f*cking do to this?". sarkastikong sambit nito saakin.
Napataka ako ng mukha dahil sa sinambit nito ngunit nginitian ko pa din siya para hindi siya mapahiya. "hehe, Boss, You just need to check your meetings and after that, you should meet your clients and deal with the---".
"what the f*ck?!". bulyaw nito na nagpaatras saakin. "can't you see?! (my mind: no, but I can hear it) You are my secretary and you must TELL me the things that I'm going to do!--- not the things that I am gonna act!--- you understand me?!".
"yes, Boss". nakayukong sambit ko. Kinakabahan na ko right now. First time kong makitang nagagalit saakin si Boss.
"I thought you knew the things that you need to do after they hire you as my secretary. But you don't!".
Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako dahil sa pinag gagagawa ko. "I-I'm s-so sorry, Boss *hik!* And thank you for telling me what I'm going to do". sambit ko dito habang nakayuko pa din at humihikbi ng iyak.
Last time na umiyak ako, noong napagalitan ako ng teacher ko dahil sa pakikipagdaldalan ko sa katabi ko habang nagtuturo siya.
Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Boss nang patuloy pa din ako sa pagiyak.