Chapter 20
Napaigtad si Monica dahil sa hangin na dumampi sa kaniyang tainga. Masamang tingin ang ipinukol niya sa kapatid na si Miguel na ngayon ay malawak na nakangisi.
"Sabi kasi ni papa hipan ko raw ang tainga mo ate." Agad na paliwanag ng kapatid.
"Okay ka lang ba Monica?" Untag sa kaniya ng ama. "Maputla ka at nanlalalim ang mga mata mo. Hindi ka ba nakatulog kagabi?"
Hindi naman siya nakaimik sa ama. Ano ba ang maaari niyang sagutin sa tanong nito? Na hindi siya nakatulog dahil sa halik na pinaranas sa kaniya ng boss niya?
Baka atakihin pa ang kaniyang ama ng sakit sa puso kapag nalaman nito ang naganap kahapon sa pagitan nila ni Sir Jack.
Ang madalas na bilin sa kaniya ng ama ay huwag siyang papahalik sa hindi naman niya nobyo.
"Puyat lang po ako Pa, May tinapos lang kasi akong report kagabi bago ako matulog." Tumikhim siya at umiwas ng tingin dito. Hindi siya sanay magsinungaling sa magulang.
Napalingon naman si Monica sa bungad ng kusina. Papalabas doon ang kaniyang ina. Napasulyap siya sa hawak nitong lunch box. Napangiwi siya bigla.
Naalala niya kasi ang lunch na ibinalot kahapon ng kaniyang ina para sa kaniya. Binurong hipon.
Wala sa sariling natawa siya dahil naalala niya na naman ang nakakatawang kilos ng boss niya kahapon. He was so frightened to see something in her lunch box.
Nakarinig ng tikhim si Monica at napaangat ang tingin. Her father looking at her intently. Napangiwi siya mukhang nahuli siya ng ama na ngumingiti mag-isa.
Ibinalik nito ulit ang atensiyon sa binabasang dyaryo at sumisim ng kape. Baka iniisip ng papa niya na naloloka na siya.
"Monica narito ang baon mo." Saad ng ina at inilapag sa harap niya ang lunch box.
"Ma, Bakit naman binurong hipon ang ipinabaon mo sa akin kahapon?" Marahang tanong sa ina.
Nagtatakang sumulyap ang ina sa kaniya. "Bakit ayaw mo ba? paborito mo iyon hindi ba?"
Napangiwi siya paborito niya nga iyon dahil masarap ngunit kahapon ay pinahiya siya ng binurong hipon na iyon.
"Muntikan na mahimatay ang boss ko kahapon dahil sa amoy ng binurong hipon Mama." Mahinang sabi niya at napakamot sa leeg.
Tumawa ng malakas ang kapatid na si Miguel dahil sa sinabi niya. Ang ama naman ay napailing lang. "Naku sana pala anak ipinatikim mo sa boss mo. Masarap naman ang binurong hipon kahit mabaho." Natatawang saad ng ina.
Sinilip niya ang laman ng lunch box. Napangisi siya dahil hindi na binurong hipon ang laman niyon baka masisante siya ng wala sa oras dahil sa hipon lang.
~~~
Luminga-linga si Monica sa paligid. Naglakad ng ilang hakbang at luminga ulit sa paligid. Pumasok siya sa opisina ni Sir Jack at inikot ang paningin sa kabuuan ng opisina. Walang tao.
She sighed in relief. Her boss has not yet arrived. She really intended to get to work early to avoid her boss. Nagmadali siya sa pagkilos at inumpisahan ang pagluluto. Habang nagluluto hindi maiwasan ni Monica balikan ang nangyari kahapon sa pagitan nila ni Sir Jack.
Kagabi bago siya matulog ay marami siya naging realization. Isa na doon ay kung paano kumabog ng malakas ang kaniyang puso dahil sa isang halik na pinaranas nito sa kaniya. She couldn't sleep because of the kiss.
Napahawak siya sa tapat ng dibdib nang sumikip iyon dahil sa napagtanto. Her heart was sweetly aching. May gusto na siya sa boss niya! Sa wakas inamin niya na mismo sa sarili na nahuhulog na siya kay Sir Jack!
Ngunit kailan pa nag-umpisa? Naguguluhan niyang tanong sa sarili.
She wasn’t exactly sure when or where it happened. Or even when it started. All she knew for sure was that right here and right now, she was falling hard to her boss and she was afraid for herself. Tama ba itong nararamdaman niya? Tama ba itong tinitibok ng puso niya? She's frustrated at herself. She doesn't know what to think anymore.
She lifts her right hand and touched her lower lip. Monica closed her eyes when she felt something twitch inside her body. Whether she admits it or not she liked the kiss. It was hot and sweet. Buong buhay niya ngayon niya lang ito naramdaman. She doesn't care if this was way too fast all she knew was that she was falling for him.
Makalipas ang isang oras ay natapos na ang kaniyang pagluluto. Sinugurado niya na masarap ang nilutong ulam. Salamat sa Mama niya dahil namana niya rito ang talento sa pagluluto.
Kasalukuyan nasa loob nang comfort room si Monica at inaayos ang suot. Napatingin siya sa reflection niya sa salamin.
She was wearing a color beige button-up blouse and she paired it with a full lace pencil cut skirt knee length.
Bumagay sa kaputian ng balat niya ang suot at hapit sa perpektong hubog ng balakang ang suot na skirt. She wanted to look good enough to stand beside her boss.
Lumabas na siya ng banyo at dumeretso sa sariling cubicle. Nagumpisa na siya magtrabaho. Ilang sandali lang ay tumunog ang private lift at iniluwa niyon ang boss niya.
Heto na naman ang puso ni Monica na nagtatalon at hindi mapakali. Animo'y may mga daga na naghahabulan sa loob ng kaniyang dibdib. Tumikhim siya at umayos ng tayo. Back to work Monica! Saway niya sa sarili.
Sinalubong niya ito. "Good Morning Sir." She composed herself.
She felt the triumph of nervousness when her boss scanned her from head to toe. Bigla na-conscious siya.
Maganda kaya siya sa paningin ng boss niya? Maayos kaya ang suot niya? Sandali! Kanina ay nagpahid siya ng lipstick bago lumabas ng banyo. Hindi kaya iyon kumalat sa labi niya?
Umiwas si Sir Jack ng tingin at dumeretso sa opisina nito. Sinundan naman ito ni Monica upang ipagtimpla ng kape.
Sir Jack sat on his swivel chair and he immediately open his laptop. Siya naman ay tumungo sa pantry at nag-brew ng kape para sa lalake.
Bitbit ni Monica ang isang tasa ng kape lumapit siya sa working table at inilapag doon. "You have a meeting with a client in 15 minutes Sir."
Binalingan siya nito ng tingin. "Are the boards of directors already there?" Tanong nito.
Tumango siya dito. "They are all already in the conference room Sir."
Tipid itong tumango at binaling ulit ang atensiyon sa laptop at sumisim ng kape. Monica made her way out from his office.
"Hi Monica. It's nice to see you again." Napaigtad si Monica at napaangat ang tingin mula sa sinusulat na meeting schedules sa kaniyang notepad.
She saw Mr. James Peterson confidently walking towards her working table. He was smiling cheerfully. Nasa likod nito si Sir Jack na madilim ang mukha at masama ang tingin sa pinsan nito.
"What the hell are you doing here James?" Sir Jack irritatingly asked.
Ngumisi ng nakakaloko ang pinsan ni Sir Jack. "I'm just visiting your beautiful secretary."
"My secretary can't allow f*****g visitors during her working hours!" Tiim bagang na sigaw nito. Napangiwi naman si Monica sa lakas ng boses ni Sir Jack.
Buong akala niya matatakot ang pinsan nito sa sigaw ng kaniyang boss ngunit sa kaniyang pagkamangha ay tumawa pa ito ng nakakaloko.
"Chill my cousin! Masyado ka namang pikon eh." Sir James mocked and smirked like an idiot.
"Stop pestering her James and get the hell out of here!" Sigaw nito sa pinsan. "And you Monica come with me and start your work!" He harshly said and walked away.
Monica blinked twice. She felt sudden lost of words.Pati siya ay nadamay sa kalokohan ng pinsan nito.
"Sorry about that Monica. Ganyan talaga ang boss mo laging pikon." Ngisi pa nito sa kaniya. Napailing na lang si Monica at sumunod na sa boss niya.
~~~
Kasalukuyan nag-aayos ng mga pagkain si Monica sa dining table para sa tanghalian ng boss niya. She stop what she's doing and turned around aabutin niya sana ang baso na nasa counter but only to stop when she saw her boss standing on the kitchen door.
He's looking at her intently. Monica became uneasy every time her boss looked at her intensely. "Y-your lunch is ready Sir." Nautal pa siya.
Tumayo ng deretso si Sir Jack. "Thank you." Sabi nito gamit ang malamig at malalim nitong boses at umupo sa dining chair.
"Monica, I have something to tell you." He said straight-faced and not even looking at her.
Napaderetso ng tayo si Monica at lalong kinabahan. Parang lalabas na sa dibdib niya ang tumatambol niyang puso habang hinihintay ang sasabihin ni Sir Jack.
Sandali! Baka sasabihin ni Sir Jack na may gusto rin ito sa kaniya? Sasabihin rin ba nito na gusto siya nito maging girlfriend?
Hindi maaari! kailangan muna siyang ligawan ni Sir Jack. Pumunta sa bahay nila at magpakilala sa mga magulang niya. Tama! Ganoon nga. Hindi niya maaaring sagutin agad si Sir Jack ngayon.
Samo't saring senaryo ang tumatakbo sa isip ni Monica.
"It's about the kiss that happened yesterday." Panimula ng kaniyang boss. Heto na! heto na talaga! Bahagya nakaramdam si Monica ng excitement. Aamin na si Sir Jack na may lihim rin itong pagtingin sa kaniya! Magkaka-boyfriend na ba siya?!
"It was nothing...." He seriously said.
Her jaws dropped.