Chapter 18
Lulan ng sasakyan sila Monica patungo sa malapit na supermarket. Si Sir Jack mismo ang nagmamaneho. Tumanggi ito nang alukin sila ni kuya Joel ihatid sa supermarket. Si kuya Joel ay personal driver ni Sir Jack mula pa noong nag-aaral pa raw ito sa kolehiyo.
Mabait at masayahin na tao si Kuya Joel. Madalas niya rin ito nakakausap at nakakabiruan. Madalas rin kasi ito umaakyat sa opisina ni Sir Jack.
They arrived at the supermarket. Monica unbuckled her seatbelt and got out of the car. She stopped walking when she feel the phone, she was holding vibrates.
'Bes saan ang punta ninyo ni Sir Jack? May date ba kayo?' Text message iyon galing sa best friend niyang si Sena.
Hindi makalimutan ni Monica ang reaksiyon ng kaibigan nang makita nito na magkasabay sila lumabas ni Sir Jack mula sa private elevator. Halos lahat ng mga empleyado na naroon sa lobby ay nasa kanila ang tingin habang sabay silang naglalakad ng Presidente ng Hotel.
Hindi niya magawang lapitan ang kaibigan dahil malalaki ang mga hakbang ng boss niya na kailangan niyang sabayan. She could do nothing, but wave and smile at her friend.
"Monica. Let's go." Untag ni Sir Jack sa kaniya na nasa unahan na pala. Pinatay niya ang cellphone at mamaya na lang niya tatawagan ang kaibigan.
After a while, they were in the supermarket and searching for her cooking necessities for tomorrow. Behind her was Sir Jack, who quietly followed her. He was walking confidently while pushing the cart. Napansin ni Monica na maraming napapalingon dito sa boss niya. Lalo na ang mga babae. Napailing na lang siya.
Sir Jack said earlier, while they were in the car that he wants for his lunch for tomorrow was Garlic Salmon with Asparagus. This was the recipe she will be looking for.
She was currently choosing what she will need for cooking. She's reading the nutrition facts and comparing the brand and the prices too.
"Don't mind the prices Monica. I'll pay all of it. Just get what you want." Suddenly her boss spoke from behind her.
Lihim niya na ikot ang mga mata. Ang reklamador naman ng kasama niya. "Tinitignan ko lang po sir kung ano po ang mas mabuti na gamitin."
Nagpatuloy sila sa paglalakad at tahimik lang din ito nakasunod sa kaniya. Panaka-naka niya rin ito nililingon at mukhang hindi naman ito naiinip.
They were both in the wet section and taking salmon when she heard a phone ring. Someone's calling on his phone.
"What is it Mom"? She heard his baritone voice.
Mommy pala nito ang tumawag. Tahimik lang si Monica habang kumukuha ng mga rekado sa isang stante.
"Fine. I'll be there later." Simpleng paalam nito sa kausap.
"Have you bought everything you need Monica?”
Napapitlag siya ng bahagya na nasa tabi niya na ito bigla. Nilingon niya ito. "Yes Sir. this is the last one." Tukoy niya sa Asparagus.
He nodded and pushed the pushcart towards the counter. Monica just followed her boss as he pushed the pushcart.
Hindi niya maiwasan mapatingin sa mga braso nito dahil kitang-kita niya kung paano nagpe-flex ang biceps nito. Simpleng round neck white T-shirt lang kasi ang suot nito ngayon.
Napakagat labi siya dahil sa bigla niya naalala ang tagpo nila noon ng boss niya sa Presidential suite. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na makakita siya ng personal na abs ng isang lalake. Noon kasi ay hanggang sa mga bachelors magazine lang sila nakakasulyap ng kaibigan na si Sena.
Nasa tapat na sila ng counter at si Monica ang naglalagay ng mga ipinamili sa counter island. Nasa likod niya parin si Sir Jack at nanonood sa kilos niya. As usual salubong ang kilay at seryoso ang mukha.
Napalingon naman siya sa cashier dahil para itong namatanda habang nakatingala sa boss niya. Pasimple pa nito inayos ang buhok at inipit sa tainga. Kulang na lang maghugis puso na ang mga mata nito.. Natawa siya sa mukha ng cashier. Marami talagang babae ang natutulala sa kagwapuhan ng boss niya.
~~~
They already returned to the office and Monica was currently putting the ingredients they bought in the refrigerator. She was going home after what she was doing in the kitchen.
Pagkarating nila sa opisina ni Sir Jack ay tumungo agad ito sa walk in closet para umano magbihis. Nagtaka man ay nagkibit-balikat na lang siya.
Paglabas niya mula sa kusina ay nakita niyang bihis na bihis si Sir Jack. Mukhang mayroon itong formal event na pupuntahan. Nakatayo ito sa tapat ng full body mirror at seryosong hawak ang cellphone habang pumipindot doon. Napansin ni Monica na hindi maayos ang pagkakalagay ng necktie nito.
Hindi na nagdalawang isip pa si Monica na lumapit sa boss niya at tila’y may sariling isip ang mga kamay na kusang inabot ang necktie nito at inayos ang pagkakabuhol.
Naramdaman niyang natigilan si sir Jack dahil sa ikinilos niya. Kahit siya ay natigilan din at napatingala sa lalakeng kaharap.
Nagsalubong ang mga tingin nila. Nahigit ni Monica ang hininga dahil sa paraan ng titig nito na kakaiba. She swallowed hard.
Suddenly her boss leaned closer to her. She can feel his hard chest against her. She can literally feel the heat coming from his body. He looked at her with desire in his eyes.
Bago pa siya makahuma ay hinigit na siya nito ng marahan, kinabig ang batok at siniil siya ng halik. He kissed her fully on her lips.
Pakiramdam ni Monica ay nanayo lahat ng balahibo niya sa katawan dahil sa kakaibang sensasyon na dulot ng ginagawa nito sa labi niya. Her head and chest pounding so hard. Halos mabingi siya sa lakas ng t***k ng puso niya. This was her first kiss! Her first kiss!
Monica stunned when she felt his calloused hand on her waist and pulled her closer. Giving her a more tender and gentle kiss and it sent shivers all the way through her spine. She also felt his right hand moving slowly in her lower back.
Sir Jack groaned and kissed her deeply and aggressively this time. His kisses were a lot more demanding. His kisses were deep and long. He pulled her even more against his hard body.
Tila naman natauhan si Monica at nagising mula sa magandang panaginip dahil sa lagabog na narinig mula sa kung saan. Nabitawan pala ni Sir Jack ang cellphone na hawak. Kusa siya lumayo at humiwalay mula sa mga braso ng kaniyang boss.
Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang panghihina ng tuhod at nawalan siya ng lakas. Muntikan na siya sumobsob sa carpet kung hindi lang siya maagap na nahigit sa baywang ni Sir Jack upang alalayan.
Ang bilis ng t***k ng puso ni Monica at sinabayan pa ng pag-iinit ng mukha. Anong pumasok sa isipan niya bakit nagpahalik siya rito? Nasisiraan na talaga siya ng bait!
He looked at her intently. Sir Jack was about to say something to her when his phone suddenly rang on the carpeted floor. Someone is calling from his phone. Her boss glanced at it and picked it up.
Iyon naman ang nakitang pagkakataon ni Monica para kumilos at nagmadali lumabas mula sa opisina nito.
Dali-dali siya lumapit siya kaniyang cubicle at sinamsam lahat ng gamit. mabilis ang kilos niya kasing bilis ng pintig ng puso niya.
Halos takbuhin niya ang elevator para lang makaalis sa lugar na iyon. Wala na siyang maihaharap na mukha sa boss niya. Lakad takbo siya at hindi alintana kahit na may suot siyang heels.
Nasa tapat na siya ng elevator at hinihintay ang pagbubukas niyon. Pikit mata siya nanalangin na sana bumukas na ito at makarating na siya sa lobby.
Ngunit hindi yata siya sinuswerte sa panalangin niya dahil narinig ni Monica na bumukas ang double door ng opisina ni Sir Jack. Naaninag niya ang bulto nito mula sa glass wall ng hallway papalapit sa private elevator.
Hindi na nagdalawang isip pa si Monica na tumakbo patungo sa fire exit at pumasok doon. Napasandal siya sa likod ng pinto ng fire exit. Hingal na hingal siya at pawis na pawis ang noo at leeg.
Napasabunot siya sa sariling buhok! Gusto niya na lang maglaho bigla at lamunin ng lupa! What the hell is she doing?! She scolded herself and wanted to bang her head over and over again.
Ilang sandali siya nakasandal sa pintuan at nakatayo lamang. Napahawak siya sa kaniyang ibabang labi nang maalala ang halik ng kaniyang boss.
Ang hatid ng init ng halik nito. Ang masarap at malalim na halik ni Sir Jack. Ang matigas na katawan nito at ang masarap na dulot ng yakap ng lalake. Itinakip niya ang mga palad sa mukha at impit na tumili at nagpapadyak pa ng paa!
Ano ng mukha ang maihaharap niya bukas sa boss niya?!