Chapter 14
Napahawak na lang si Monica sa kumakabog na dibdib matapos niya lumabas mula sa opisina ni Sir Jack.
Bakit ba ganoon lagi kung tumitig sa kaniya ang lalakeng iyon? Kulang na lang ay maupos siya na parang isang kandila.
Napasalampak siya ng upo sa swivel chair at inabot ang mga papeles na nasa ibabaw ng working table kailangan niya iyon basahin isa-isa at pagkatapos ay i-encode sa files niya.
She spent almost six days in training to become Sir Jack’s secretary. Mrs. Yson herself patiently taught her about her destined job..
Mula noong araw na iyon ay usap-usapan na sa buong department ng room-attendant ang balita na siya ang kapalit ni Mrs. Yson pansamantala. Mayroon natuwa ngunit may ngilan-ngilan din na tinaasan siya ng kilay at nainggit katulad na lamang ng grupo nila Zoe.
Halos araw-araw ay napapa-away ang best friend niyang si Sena para lamang ipagtanggol siya. Ngunit si Monica na mismo ang umiiwas at nanahimik. Walang maidudulot na maganda kung papatulan niya pa ang mga iyon.
Napapangiti na lamang siya kapag naaalala niya ang reaksiyon ng mga magulang noong ibinalita niya sa mga ito na magiging personal secretary siya. Her father and mother were very proud of her.
Palagi rin sinasabi ng mga ito na huwag na bigyan pansin ang mga taong naninira sa kaniya bagkos ipakita pa sa mga taong iyon na mali sila ng panghuhusga at pagmamaliit sa kaniya.
Napahinto ang pagtipa ni Monica sa computer nang tumunog ang alarm tone ng kanyang cellphone. It’s almost lunch time.
Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at naglakad patungo sa opisina ni Sir Jack. Ang bilin sa kaniya noon ni Mrs. Yson na sa tuwing lunch ay hindi lumalabas ng office si Sir Jack ngunit nagpapabili na lamang ito ng pagkain sa labas ng building at sa loob nang opisina kumakain.
Kumatok siya sa double door ng opisina ni Sir Jack. “come in”. A deep and a cold voice from him.
Binuksan niya ang pinto at kusang tumutok ang paningin niya sa boss na abala sa working table at may hawak na papel habang seryosong nagbabasa.
She cleared her throat. “Excuse me Sir, Jack. It’s almost lunch time. What do you want for your lunch Sir?”
He glanced at his wrist watch and then he looked at her straight through her eyes. “Buy me anything I can eat for lunch.” He said in a baritone voice.
May dinukot ito na cash sa wallet nito at inilapag sa gilid ng working table. Lumapit si Monica at nang aabutin na ang pera ay natigilan siya. Dios ko! Twenty thousand pesos?!
He looked at her and raised his eyebrows. “Isn’t that money enough?” Tukoy nito sa cash na nakalapag sa lamesa.
Her lips parted a little bit. “No, sir, I mean. This is too much for just a single lunch Sir.” She swallowed hard. “Is there anything you want me to buy aside from your lunch Sir?”
He just shook his head and didn’t look back at her and refocused his attention on the papers he was holding.
She took a deep breath and made her way out from his office. “Ganoon ba talaga ang mayayaman barya lang ang twenty thousand pesos?” Pabulong-bulong niya.
Nagdesisyon siya pumunta sa Restaurant na madalas pagbilhan ni Mrs. Yson para sa boss nila. Dalawang putahe ng ulam ang oorderin niya.
Chopseuy at nilagang baka ang naisip niyang orderin with rice and iced tea. Habang naghihintay sa order ay naisip niya tawagan si Mrs. Yson. Binigay sa kaniya ng ginang ang personal number nito upang matawagan niya ito kapag may problema sa trabaho.
She heard three rings before on the other line answered. “Hello.” Boses ni Mrs. Yson.
“Good afternoon po Mrs. Yson. Si Monica po ito.” Tumikhim pa siya.
“Is there any problem Monica? What happened? Did sir Jack rejected you as his personal secretary?” She was bombarded with questions.
She chuckled a bit. “Everything was fine here Mrs. Yson. I was just calling because I had some questions about Sir Jack." Sandali siyang napaisip. Tama ba na itanong niya pa ito sa ginang? Ah bahala na!
“Kasi nagulat lang po ako sa binigay na cash ni Sir Jack para bumili ng Lunch niya. Mrs. Yson isang kainan lang ba para sa kaniya ang twenty thousand pesos?” Salubong ang kilay ni Monica habang nagsasalita.
Muntikan na niya mabitawan ang cellphone na hawak nang marinig na tumawa ng malakas si Mrs. Yson sa kabilang linya.
“Oh iha. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa iyo.” Natatawa parin ito habang nagsasalita.
Napakamot nang leeg si Monica. “What should I do Mrs. Yson? ”
“Monica isa lang ang ibig-sabihin niyan. Binigyan ka niya pambili nang lunch at kasama na rin doon ang lunch mo. Pasensya ka na iha kung nakaligtaan kong sabihin sa iyo ito.“ Mahabang lintaya ng Ginang.
“Ho? Pati ho ang lunch ko ay kasama sa bibilhin ko? Ganoon po ba?” Napasinghap si Monica sa sinabi ni Mrs. Yson.
“Ganoon na nga Monica. Mula noong naging secretary ako nang batang iyon palagi niya nililibre ang lunch ko kasabay nang pagbili ko para sa kaniya.” Ani ni Mrs. Yson.
Magalang siya nag-paalam sa kausap nang mamataan ang waiter na papalapit sa kaniyang lamesa at may bitbit na paper bag na naglalaman ng order niya.
May pagmamadali ang kilos na bumalik si Monica sa opisina ng boss niya at bitbit ang lunch nito. Tumawag pa sa kaniya kani-kanina lang si Sena naghihintay raw ito sa kaniya para sabay sila kumain sa cafeteria.
Kumatok siya ulit ng tatlong beses sa opisina ni Sir Jack. Hindi niya hinintay pa sumagot ang boss at kusang binuksan ang pinto. May kausap sa telepono si Sir Jack kaya hindi siya nito napansin nang pumasok siya sa loob ng office.
Agad tumungo si Monica sa kitchen counter at inayos lahat ang pinamili para sa boss niya. Isa-isa niya nilagay sa plato ang mga pagkain na inorder. Pagkatapos nang pag-aayos sa pagkain ay lumabas siya mula sa kusina bitbit ang food tray.
Lumapit si Monica sa center table at ipinatong doon ang food tray. Lumingon siya sa boss niya at napansin niyang tapos na ito makipag-usap sa telepono at tahimik na nanonood sa kilos niya.
“Excuse me, Sir Jack. I’ll just leave your lunch here. Enjoy your food Sir. Just call me when you need anything.” She said and gave him a sweetest smile.
Sir Jack blinked twice in a daze before nodding at her. He got up from his swivel chair and went to the center table.
Hindi mapigilan mapatitig ni Monica habang nakatingala sa lalakeng naglalakad papalapit sa center table.
This man is literally one of a hell most handsome creature in heaven.
Natauhan si Monica nang umupo sa kulay abong sofa si Sir Jack at humarap sa pagkain nito. Nagmadali siya sa pagkilos at tuluyan lumabas ng opisina nito.
Tumungo agad siya sa cafeteria at hinagilap si Sena. Napangiwi siya nang makita itong masama ang tingin sa kaniya.
“Aba bes, Malapit na mamuti ang mata ko sa kahihintay sa iyo dito.” Reklamo nito sa kaniya nang umupo siya sa tapat ng silya ng kaibigan.
“Pasensiya na talaga Sena. Inayos ko pa muna ang lunch ni Sir Jack bago ako bumaba dito.” Hinging paumanhin ni Monica.
Nag-iba naman ang kislap nang mga mata ng kaibigan sa kaniya. Napabuntong hininga naman si Monica. She already knew what her friend was going to say.
“Kamusta naman ang first day of job mo bilang “sexy-tary” bes?” Tudyo nito sa kaniya. Sabi na nga ba!
“Tigilan mo ako Sena. Huwag mo ako umpisahan baka tusukin kita nang tinidor sa nguso.” Banta niya sa kaibigan. Sena just giggled and then winked at her. She just shook her head.
Inilabas niya ang baon mula sa hand bag na dala-dala at akmang susubo na siya nang matigilan. Namilog ang mga mata ni Monica. Nakalimutan niya ibalik ang sobrang pera ni Sir Jack!
“Hoy Monica bakit tulala ka diyan?” Tanong ng kaibigan habang ngumunguya ito.
Napakurap siya sa harap ng kaibigan. Hindi niya alam ang gagawin. Nahihiya siyang iwan ang kaibigan na nag-iisa dito sa cafeteria at umakyat muli sa opisina ni Sir Jack para ibalik ang sobrang pera na ibinigay nito kanina pambili ng lunch.
“Monica?” Her friend asked her uncertainly.
Huminga nang malalim si Monica at umayos ng upo. “Naalala ko lang ang cash na ibinigay ni Sir jack sa akin.” Nag-umpisa na siya kumain.
“Hindi ako makapaniwala na sa isang lunch ay twenty thousand pesos ang ibinigay sa akin pambili.” Kuwento niya sa kaibigan.
Nataranta si Monica nang masamid si Sena. Inabotan niya ito ng isang basong tubig at ininom nito habang nanlalaki ang mga mata.
“Susmaryosep! Twenty thousand pesos?! Para lang sa lunch? Ano ba kinakain ni Sir Jack ginto?” Hindi makapaniwalang saad ng kaibigan.
Tumango naman si Monica dito. “Hindi nga rin ako makapaniwala eh. Tinanong ko rin siya kung may gusto pa ba siyang ipabili bukod sa lunch niya pero umiling lang siya.”
“Tinawagan ko si Mrs. Yson at sinabi ko sa kaniya ang nangyari. Ngunit tinawanan lang ako at sinabi niya na ganoon daw talaga si Sir Jack galante magbigay nang pera. At ito pa bes kasama na rin daw sa twenty thousand na iyon ang lunch ko.” Nanlalaki ang mga mata ni Monica habang kinuwento dito.
Namilog naman ang mga mata ni Sena sa sinabi niya. “Talaga bes? Eh bakit iyan parin na baon ang kinakain mo? Hindi ka bumili nang lunch mo?” Pagtataka ni Sena.
Napasimangot si Monica sa sinabi ng kaibigan. “Syempre hindi ko ipagpapalit ang luto nang mama ko para lang sa ibang putahe galing sa mamahaling restaurants ano.” Mama niya ang madalas na nagluluto nang baon niya sa trabaho. Hindi niya maaatim na kumain nang ibang pagkain.
Eksaheradang pumalakpak ang loka-loka niyang kaibigan. “Ikaw na bes ang pinakadakilang anak sa balat ng lupa.”
Monica rolled her eyes. “Ibabalik ko kay Sir Jack ang sobrang pera niya.”
“Bes bakit hindi ka na lang bumili ng ingredients at ikaw ang magluto ng lunch ni Sir Jack galing doon sa sobrang pera niya?” Suhistiyon ng kaibigan.
Tila naman nagkaroon ng ideya si Monica sa sinabi nang kaibigan. Maaari din naman niya gawin iyon.
“Namana mo ang talent ni Tita Chesca na masarap at magaling magluto hindi ba? Ganoon na lang ang gawin mo.” Tuwang tuwa na saad ni Sena.
“Paano ko gagawin iyon kung may trabaho ako palagi? Paano ko maisisingit ang pagluluto?” Wala sa sariling tanong ni Monica habang kumakain.
“Problema ba iyon bes? Eh di agahan mo ang pagpasok at pagdating mo sa opisina magluto ka nang mabilisan.” Pamimilit nito sa kaniya. On the other hand Sena has a point. But she needs to think carefully about it.
Natapos na ang tanghalian nila ni Sena at bumalik na sila sa kani-kanilang trabaho. Makalipas ang maraming oras naging abala si Monica sa pag-encode sa computer nang tumunog muli ang kaniyang alarm tone. Kailangan niya magtimpla nang kape para kay sir Jack.
Kumatok siya ng tatlong beses sa opisina nito. Binuksan niya ang pinto at sinilip ito mula sa maliit na awang ng pintoan. “Excuse me Sir Jack do you want me to make you some coffee?” Nag-aalangan na tanong ni Monica.
Umangat ang ulo ni Sir Jack mula sa binabasang papeles tumingin ito sa kaniya at tipid na tumango.
She finally entered and went straight to the kitchen counter to make brewed coffee.
Bitbit ang isang tasa ng kape lumapit siya sa working table nito at ipinatong doon ang tasa.
“Do they all know about the contract signing to be held tomorrow morning for the Big Hearts Foundation?” He asked in a low husky voice without looking at her.
“Yes, sir, I have already sent a notice to all of them.” Tukoy niya sa major stockholders at board of directors ng kompanya.
The Big Hearts Foundation is the new foundation to be sponsored by their company. Sir Jack himself chooses the said foundation.
Tumango ito sa kaniya at muling sumimsim ng kape. Tumalikod na si Monica at lumabas ng opisina.