Chapter 37 Panay ang silip ni Monica sa labas ng pinto at hindi niya mapigilan ang humagikhik sa tuwing nakikita niya si Jack na masama ang tabas ng mukha habang sumasandok ng kanin mula sa malaking kaldero. They are now at the foundation that she and Sena used to go to be a volunteer when they were still studying at university. SAVING ANGELS ay tahanan ng mga batang ulila at mga batang sinagip mula sa biktima ng karahasan, abuso at ang pinakamasaklap ay biktima ng rape. Kadalasan sa mga batang narito ay wala ng mauuwian at mga palaboy-laboy na lang sa lansangan o hindi na kayang buhayin ng sariling magulang at basta na lang iniwan sa kung saan-saan. Kahapon ng umaga ay tumawag siya kay Mother Cecelia upang kumustahin ito at alamin ang kalagayan ng mga batang inaalagaan ng foundation.

