ISLAND GIRL PART 2

1232 Words
Kinaumagahan ay tanghali na nagising si Cassy, tinulungan pa kasi niyang magligpit kagabi ang kanyang inay. Ang kanyang ama at kuya Dan naman ay nakahilata pa rin hanggang ngayon. Hindi muna nagpunta sa trabaho ang lahat para naman makapagpahinga. Napalaki rin ang gastos nila kahapon dahil katwiran ng mag-asawa ay minsan lang naman ang graduation ni Cassy at saka nakuha naman nito ang pinakamataas na pagkilala sa lahat ng mag-aaral ng elentarya. Bukod pa rito ay nagawaran din si Cassy ng scholarship para sa pag-aaral nito sa high school,kaya sulit lahat ng pinag-ipunan nilang gastos sa handaan. Nang makapaghanda ng kape ay tinulungan pa ni Cassy ang ina na initin ang mga tirang pagkain, matapos ito ay pinagising na ni Aling Juana ang mag-ama. Mumukat-mukat pa ang dalawa nang lumabas ng silid at saka kaagad na inabot ni Cassy ang dalawang tasa ng kape sa mga ito. Matapos makapag-almusal ay nagpaalam si Cassy na maliligo sa dagat. Nakabestida lamang ito na puti kaya naman ponagsabihan ito ng ina na magpalit muna ng shorts at t-shirt. Pinagsabihan din ito ng ama na mag-ingat sa pagkilos sapagkat hindi na siya bata. Kahit pa hindi masyadong naintindihan ang ibig sabihin ng paalala ng mga magulang ay sumunod na lamang si Cassy. Kaagad din itong lumabas ng silid matapos makapagpalit ng kasuotan at nagtungo na sa aplaya. Pagkarating sa aplaya ay kaagad niyang natanawan si Badong na naliligo na rin kasama ang iba pang mga batang taga-isla. Kaagad na lumapit si Badong sa kanya at niyaya siyang sumali sa kanilang laro. Nagpaunlak naman kaagad si Cassy tutal paborito rin niyang laruin ang patamaang bola at isa pa ay mga kaklase din naman nila ang mga kalaro ni Badong. Makaraan ng ilang saglit ay natanong ni Cassy kung nasaan si Boninay. "Ayun kadaraan lang ng speedboat nila eh, kasama ng Mommy n'ya galing yata silang bayan. Mukhang binilhan s'ya nung malaking teddy bear na yakap-yakap n'ya kanina. Pero sumenyas s'ya na pupunta rito,mayamaya lang andito na 'yon," paliwanag ni Badong. "Okay sige, kanino ba ako kakampi?" tanong nito. "'Oy Mona sa inyo na 'yang si Tolits,samin nila Tope itong si Cassy," tawag ni Badong sa laro. Matapos maggrupuhan ng anim na mga magkakalaro ay nagsimula na silang magpatamaan ng bola. Unang naging taya sina Mona at ang grupo naman nila Cassy ang nasa gitna upang batuhin. Tuwang tuwa ang lahat sa pagtakbo,pagsalo ng bola ,pag-ilag at pagpuntirya sa mga nasa gitna. Maya-maya pa ay tinamaan na si Tope kaya natira ang magbestfriends sa gitna. Habang pailag-ilag ay hinawakan ni Cassy ang kamay ni Badong upang magabayan siya ng pagtakbo. Kinantyawan naman sila ng mga kababata kaya kaagad ding nagbitaw ng kamay ang dalawa. Hindi rin nagtagal ay magkasunod na tinamaan ng bola ang dalawa kaya sila naman ang naging taya. Humaba pa ang kanilang laro hanggang sa humingi ng timeout si Mona dahil sa pagod. Muling nagsugbuhan ang lahat sa dagat at naiwang nakaupo sa buhangin ang dalawa hanggang sa dumating si Brigette at naupo sa pagitan nila. Kaagad na umakbay ito sa dalawang kaibigan at saka inabutan ng tig-isang snickers.Natuwa naman sina Cassy at Badong sa binigay ni Boninay kaya kaagad na nagpasalamat dito. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Cassy. "Eh paano si Mommy, 'di ako payagang maligo baka raw ako mangitim," saad ni Boninay. "Oh anong ginawa mo at nakarating ka rito?" sabat ni Badong. "Edi dating gawi,nagiyak-iyakan ako, kaya nga may chocolates din eh para mapatahan ako," bida pa nito. "Ikaw talaga Boninay napakaspoiled mo," ani Cassy. Nang mapatingin si Tolits sa tatlo at napuna na kumakain ang mga ito ng chocolates ay niyakag ang iba pa na lumapit sa mga ito. "Andaya n'yo naman,pakagat naman ako Cassy," sabi ni Mona. "Oh eto,mayroon pa 'kong dalawa rito,hati-hati kayong apat d'yan ha," sabi ni Boninay sabay abot ng tsokolate. Pagkakuha ng snickers ay nagtakbuhan pabalik sa dagat ang mga ito. "Sa'n pala kayong dalawa papasok ng high school ha?" panimula ni Badong. "Ako ay sa Puerto Galera Academy, may scholarship ako ro'n eh," sagot agad ni Cassy. "Aba do'n din ako mag-eenroll next month, sabi ni Mama mag-Catholic school daw ako. Ayos Cassy, magkaklase na naman tayo," sabi ni Badong at napa-yes pa ng kamao sa hangin. "Asa ka, ang alam ko ay nakahiwalay ang mga top students do'n,kaya sure ako na 'di mo magiging kaklase itong si Cassy," pang-aasar ni Boninay. "Grabe ka naman Boninay, akala mo naman ay ang talino mo,pareho kaya tayong kulelat,hahaha," ganting asar nito. "Atleast ako magaling sumayaw,kesa sa'yo walang talent," tugon nito sabay dilat kay Badong. "Tama na nga kayong dalawa,mamaya ay magkapikunan na naman kayo niyan eh," saway ni Cassy sabay baling kay Boninay. "Ikaw ba Boninay magpi-PGA ka rin ba?" "Hindi nga eh,gusto ni Mommy sa Montessori ako mag-enroll. Maganda rin naman daw do'n at ang katwiran niya ay kakaunti ang estudyante kaya makakapag-focus daw ako sa pag-aaral. Pinuntahan nga namin yung magiging tutor ko kanina eh bago niya ako bilhan ng regalo," mahaba nitong litanya. "Ah kaya pala kayo nagpabayan, pero ayos rin 'yon Boninay hindi mahahalata na kulelat ka kasi iisang seksyon yata do'n," patuloy nitong asar sa kaibigan. "Tigilan mo na nga ako Badong, grabe ka talaga sa akin," tampong sabi ni Boninay. Napahinto lamang ang usapan nila nang may papalapit na foreigner na mukhang may hinahanap. "Hoy Badong,kung magaling ka, ikaw nga ang kumausap d'yan," bulong ni Boninay. Kaagad namang tumayo ang nakapameyawang na si Badong nang ganap na makalapit ang kano. "Good morning kids!" bati nito sa tatlo. "Good morning sir!" ganti nilang bati. Lumapit ito kay Badong at may pinakitang larawan. "I wonder if you know where does the owner of this boat live?" sabay pakita ng larawan. "The boat is over there!" mayabang na sagot ni Badong sabay lingon pa sa mga kaibigan bago nag-thumbs up pa habang itinuturo ang bangka nila Cassy. "No,no,no I'm asking for the owner," muli nitong tanong habang nakatingin sa itinuro ni Badong sa may 'di kalayuan. "Wait sir!" kaagad na lumingon muli si Badong sa dalawa saka sumenyas kay Cassy na lumapit. Tumayo naman si Cassy saka tiningnan ang larawan at nang makitang sa kapatid niya ang bangka ay kaagad na nagbigay ng instruction sa kano sa salitang Ingles. Naunawaan naman kaagad ng kano ang sinabi ni Cassy kaya naglakad na ito papalayo sa kanila. "Yabang na yabang mo Badong, 'di mo naman pala naintindihan ang sinabi no'ng kano," pambubuska ni Boninay sa kaibigan. "Eh boat daw ang sabi niya kaya itinuro ko ang bangka na nasa picture, teka Cassy nagno-nosebleed ka ba?" baling nito kay Cassy. "Ikaw talaga Badong,konting english lang naman iyon eh," sabi nito. "Hindi Cassy,nagdurugo nga ang ilong mo, binabalingoyngoy ka 'ata,tara na sumugbo at nang mahugasan iyan.," yaya ni Boninay. Kaagad na kinapa ni Cassy ang ilong at naramdamang may likido ngang tumutulo dito. Nang makita ang dugo sa kanyang kamay ay saglit itong tumingala bago sumunod sa dalawang kaibigan at naligo na sa dagat, doon ay kaagad na naghilamos ang dalagita at mayamaya rin ay natigil na ang pagtulo nito. Masayang nagtampisaw ang magkakaklase sa dagat at kanya kanyang basaan pa ang mga ito. Kaysarap pagmasdan ang ganitong eksena ng mga kabataan kung saan parang wala ka pang mabibigat na problemang dinadala. Dalawang oras din silang nagbabad sa dagat hanggang sa isa-isa nang umahon ang mga ito sapagkat masakit na rin sa balat ang sinag ng araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD