PARANG lintang hindi humihiwalay si Berrie kay Nathan. Nakayakap siya sa baywang ng lalaki na nakaakbay naman sa kanya habang nakaupo sila sa silyang nakahilera sa dingding malapit sa emergency room. Doon kasi isinugod ang babaeng walang malay na iniligtas niya sa bar kanina na ang pangalan ay "Alexa." Si Josh naman, ang isa sa mga may-ari ng YouTopia, nasa presinto kasama ang mestizo at singkit na lalaking nagtangkang tumangay sa walang malay na babae. Kasama rin ni Josh ang mga kaibigan ng biktima at ang mga ito ang nagpatotoo na walang balak sumama ang babae sa dalawang lalaki. Nag-CR lang daw si Alexa, pagkatapos ay hindi na bumalik. Sinisimulan na ang imbestigasyon. "Are you hurt?" nag-aalalang tanong ni Berrie kay Nathan. "Hindi naman ako tinamaan ng suntok ng tarantadong 'yon, eh

