NABIGLA si Berrie nang pagbaba niya ng kotse niya ay biglang may kung sinong yumakap sa kanya mula sa likuran. Manlalaban na sana niya, hanggang sa naamoy niya ang pamilyar na men's perfume na gustong-gusto niya. At siyempre, nakilala rin niya ang matigas na katawang iyon. "Why catch Pokémons when I can catch you?" natatawang bulong ni Nathan, sabay halik sa pisngi niya. Kunot-noong pumihit siya paharap dito. Ngiting-ngiti ang mokong. Base sa casual getup nitong long-sleeved shirt, shorts, at running shoes, mukhang nasa bahay lang ito buong araw. Nag-shooting siya kanina ng mahabang eksena kaya hindi niya nasagot ang mga text at tawag ng lalaki. Hindi na rin niya tiningnan ang mga ipinadala nitong picture dahil mahirap na, nasa bundok ang location nila. "Nakarating ka ba dito sa parking

