“CONGRATULATIONS best friend!” maluwag ang ngiting bati ni Gino sa kanya. “I’m very proud of you.” Hinampas ni Kristina ang balikat nito. “Ba’t ngayon ka lang nagpakita? Kainis ‘to! Ang tagal mong nawala. Saan ka ba nagpunta? Ano ba’ng pinaggagawa mo?” “Wala,” tugon ni Gino. “Nagpayaman lang!” humalakhak ito. “Maloko ka pa rin!” natatawang wika ni Kristina. Dumeretso na sila sa bahay nina Kristina para sa isang maliit na salusalo para sa selebrasyon ng kanyang pag-graduate. Sa loob ng maraming taon na hindi sila nagkita ni Gino, kulang na kulang ang gabing iyon para mapagkwentuhan ang mga bagay na na-miss nila sa buhay ng isa’t isa. Kahit pabiro lang ang pagkakasabi ni Gino na nagpayaman ito, ang totoo ay iyon nga ang nangyari. Nagsumikap ito makaraang makatapos ng pag-aaral. Isa na

