Nagsimula na ang seremonyas ng kasal. Hindi mapakali si Gino. “Wait lang po father!” pigil niya sa pare nang tatanungin na sana siya ng pare kung tinatanggap niya bang maging kabiyak si Kristina. Nangunot ang noo ng pare, at nagtaka ang lahat. “Ano ‘to Gino?” naguguluhang pabulong na wika ni Kristina. Kinuha ni Gino ang kamay niya. At tiningnan siya nang matiim sa mga mata. “You’re my best friend, and I’ll always be your friend no matter what happen.” “Ah, excuse me,” wika ng pare. Sasabihin sana nito ang tungkol sa exchange of vows. “Saglit lang po, father!” pigil nang muli ni Gino rito. “May sasabihin lang po ako kay Kristina. Napakamot ang pare sa makinis nitong bumbunan. Muling ibinaling ni Gino ang. Kanyang atensiyon kay Kristina. “Malaki ang nagastos ko sa kasal na ‘to, sobra so

