Autumn (POV) Sumama sina Mommy sa amin papuntang airport, hanggang ngayon ay hindi pa daw nag sink in na kami na ni Ninong. "Anak, are you sure na gusto mo talaga ang anak ko. Sumobra pa sa double ang edad ninyo?" Tanong sa akin ni Mommy na nakahawak sa akin kamay. "Opo Mommy." Nahihiyang sagot ko. "Ano ang nagustuhan mo sa anak ko eh matanda na yan." Dagdag pa niya na ikinatawa ko. "Shusss Mom." Sabat ni Sir na nasa harapan kasama si Daddy. "Malay ko ba kung tinakot mo siya." "Hindi po niya ako tinakot Mommy, basta naramdaman ko nalang po na mahal ko na po si Ninong." Sabi ko na napatingin kay Sir na pulang-pula ang tenga habang nag mamaneho. "Ahem!" Tikhim niya na nakangiti. Napansin ko ang pag iling ni Daddy sa harapan. Pagdating namin sa airport ay nag paalam din sila agad.

