Autumn (POV) Paglabas namin sa paliparan ay nag text ako kay Mommy na nasa Pilipinas na kami. Nagreply naman siya na umuwi na muna daw ako daw miss na ako sa bahay. "Mahal, gusto ni Mommy na umuwi na muna daw ako." Sabi ko na magkahawak kamay kami sa likuran. "Ok Baby, ihatid kana muna namin doon." Sagot niya na mas hingpitan ang paghawak ng aking kamay. "Pero doon ako sa bahay ninyo matutulog." Dagdag ko na nakangiti. . "Great baby, text mo lang ako pag susunduin na kita." Ngiti lang ang isinagot ko at yumakap na lang ako sa kanya. Ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay. Pag baba ko ay lumabas din siya sa sasakyan. "Ihatid kita sa loob Baby." Bulong niya sa akin at ipinakita ko na sa monitor ang mukha ko para ma scan. Nagbukas ang gate namin, napangiti ko dahil naka akbay s

