TRES Nang magising ako ay bumungad sa akin ang sinag ng araw. Teka? Umaga na ba? Akala ko ay pupunta pa kaming mall? Napagod siguro ako kaya nakatulog. Pagkatingin ko sa suot ko ay 'yung red dress pa rin. Hindi ba ako pinalitan ni Uno ng damit? Tss, bakit naman niya gagawin 'yun? Nang tumingin ako sa sampayan sa tabi ng kama ko ay nakita ko agad 'yung panty na tinahi ni Uno, bigla akong natawa dahil hindi ko akalain na may ganun palang lalaki... na kayang magtahi. Tumingin ako sa bintana, laking gulat ko nang may nakita akong nakatalikod na pitong tao... limang lalaki at dalawang magandang babae. Tila ba'y nagmamasid sila sa paligid, tsaka parang pupunta sila sa gera dahil the way they stand ay parang mga gangsters. Biglang humarap 'yung isa... teka?! Kilala ko siya! Siya 'yung Xerz ba

