THIRD PERSON "Tingnan mo si Tres boss, naglalakad na papuntang stage. Tama ako 'di ba?" "Haha! Oo nga, I think the pain she experienced really hits her." Pinanuod ni Miss Maritues at ng kanyang boss sa isang monitor si Tres habang paakyat ng stage. Nakamaskara ang dalaga, ang mga mata niyang malungkot ay sumisigaw sa poot. "Maritues, magpadala ka ng mga camera man sa tapat ng stage then do a live." "Huh? Para saan po?" "I think dahil sa pain na naranasan niya kaya siya bumalik dito ay sobra ang emosyon na maibibigay niya." "Boss, p'wede bang ipalabas na rin natin sa television? Para maraming makapanuod!" "Sige, then do live in any media. I'm sure, malaki ang makukuha ng URB ko," "Sige po!!" masayang sagot ni Miss Maritues. Ang dalagang si Tres ay nasa stage na. Maraming mga VIP a

