TRES Nang iminulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Uno na tulog pa rin. Babangon na sana ako pero... "Are you okay? Bakit dito ka natulog?" nagtatakang tanong niya. Hindi pala siya tulog, so it means nagising siya kanina. "Sinamahan lang kita, hehe! Lasing ka kasing umuwi," Tumango lang siya sabay ngumiti, ngumiti lang din ako. Nakita kong paparating si Maria, may dala siyang dalawang mangkok. "Brother, next time ayusin mo ang kilos mo... nakakahiya kay Tres." pangaral ni Maria sabay binigay sa amin ang mangkok na may lamang lugaw. "I see, I'm sorry... ano palang nangyari kagabi sa party?" Tumingin sa akin si Maria, 'yung tingin na ako na ang bahalang sumagot. Lumingon ako kay Uno. "Wala namang nangyari sa party Uno, late ka na kasing dumating." "Hindi ko maipapaliwanag sa'yo,

