TRES Nagising ako na nasa baba na lahat ng mga maleta ko. "Daddy?! Bakit nasa labas ang mga maleta ko? Palalayasin niyo na po ba ako?" "Engaged ka na kay Co 'di ba? Sa kanya ka na titira." "W-what?! Daddy naman! Nakakahiya!" "Walang nakakahiya dun anak dahil kasama sa kontrata na sagot ka na ng fiance mo..." "Sana binenta niyo nalang ako 'no?" "Treseya... huwag mong sagutin nang ganyan ang Daddy mo," malumanay na pakiusap ni Mama. Nakakainis kasi, hay naku. "Pero Mama ayaw ko pa pong mawalay sa 'yo!" "Anak, makinig ka nalang sa Daddy mo..." Tumingin ako nang masama kay Daddy sabay nagmaktol paakyat sa kwarto ko. "Mamaya ay susunduin ka na ng fiance mo!" sigaw ni Daddy. Bahala kayo dyan! THIRD PERSON "Boss, bakit parang hindi kayo mapakali?" "Naiinis kasi ako Line one, hind

