Chapter 01

738 Words
"HINDI ka ba aalis diyan sa lungga mo?" "Hindi, " sagot ko sa tanong nito. "Ano bang mapapala mo diyan, bakit hind ka man lang umalis ang putla mo na oh, saka ang payat payat mo para kang pupunta ng empyerno," inis na sabi nito. "Mama, alam mo naman na may-" hindi ko na matapos ang sasabihin ko ng nagsalita siya agad. "Na may ano? Social anxiety ka? Na may Depresyon ka? Lintik naman, naniniwala ka diyan? Kulang ka lang sa dasal kaya ka ganyan bakit hindi ka mag-simba!" Inis na sabi nito sa akin. "Alam mo ma kung wala ka ng sasabihing maganda, papatayin ko na 'to. I'm busy. " Walang emosyon na sabi ko rito saka pinatay na ang tawag. Napahinga ako ng malalim saka tinuon ang atensyon sa Screen ng Laptop ko. Mas maii-stress pa ako sa sinabi ni Mama. Ganyan lagi siya tuwing tatawag ako. Ilang beses ko ng sinabi ang kalagayan ko pero tulad nga kanina sasabihin niya na kulang lang ako sa dasal. Kainis. Mas minabuti ko na lang manuod, hanggang sa natuon ang atensyon sa balita. In the exclusive news, famous author Mitzie Alcantara has released a new book, delighting many fans. In a video, she shared the inspiration behind her writing. "When I was in high school, I was often bullied, and I didn't understand why. I thought they might be insecure or just bored, using me as their toy to ease their boredom." Napakuyom ang kamao ko sa narinig. "There was one time they threw mud with worms on my face," she continued. [Flashback] "That suits you well, you're ugly and dirty. No wonder your father left you," Natatawang sabi niya kasama ang mga kaibigan nito habang tumatawa sa harapan ko. Napayuko lang ako ng ulo habang naka-upo sa malamig na sahig at tahimik na umiiyak. Ramdam ko ang paggapang ng mga uod sa katawan ko at ang lagkit ng putik na itinapon nila sa akin. Bakit nila ginagawa to sa akin? [End of flashback] "As a victim of bullying, I wrote this to raise awareness about bullying and prevent it from spreading or getting worse. I know how it feels to be bullied and have no one there to help you," she said. Paano niya nagawa 'yan ng wala man lang siyang katiting na konsensya sa kaluluwa niya, sa paraan ng sabihin niya iyon ay parang siya ang inapi. Kung alam lang ng fans nito kung anong klaseng tao ba talaga si Mitzie, talagang magugulat sila. Galit kong sinarado ang laptop ko baka pag tinuloy ko pa ang panunuod ay Masira ko na ito. -- Tunog ng pagpatak ng tubig mula sa gripo. Yun lang nanaig na ingay mula rito sa banyo. Mag-iisang oras na ako rito sa banyo, nakatingin lamang sa repleksyon ko sa salamin. Maputla at may eyebags, halatang kulang sa tulog at bilad sa araw. Magulo ang mahabang buhok, at kulang na lang kunin na ni santanas. Wala naman sa sariling napatingin sa braso na puno ng peklat mula sa pagkapaso ang iba ay mukhang hiniwa. Marahan ko itong hinaplos. Isa rin ito sa dahilan kung bakit ayaw kong lumabas. Ayoko na muling maranasan ito mula sa ibang tao, mas mabuti pang mag-isa ako kaysa sa makasilamuha sa mga tao walang ibang ginawa kundi I- take advantage ang kahinaan ng iba. Sa bawat gabi na dinadalaw ako ng masasamang panaginip na gusto takasan pero kahit ilang beses na takasan ko ay para itong glue na nakadikit na sa akin My cellphone vibrates, so I pick it up. It's mom calling. It's her..... Again. I answer the call, "Hello, Ma." "Pumunta ka bukas sa Buhay, May family reunion tayo kasama ang step father mo of course," napahinga ako ng malalim. I hate family reunion! Pero wlaa akong choice kahit sabihin ko na hindi ako pupunta, susugudin ako ni mama dito sa tinutuluyan ko. "Yes, Ma, Pupunta ako bukas." "And oh before I end this call, may bisita na pupunta sa atin bukas ha, so wear a formal dress kasi medyo... Marami sila, ayokong mapahiya, saka yang ka echosan mo wag mo yang pa-iralin bukas. Tatamaan ka talaga sa'kin. " Napa-irap na lang ako sa sinabi nito. "Okay, " pagkasabi ko nun ay pinatay na nito ang tawag. Napahinga na lang ako ng malalim. Kailangan na kailangan ko talaga ihanda ang sarili ko bukas lalo na't wala akong kilala sa mga pupunta sa bahay ni mama bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD