“Nasaan si Francesca?” “Naku, sir, maaga po siyang lumabas. Ang sabi niya nagpaalam na raw po siya sa iyo,” sagot naman ng katulong na nag-serve sa kaniya ng inumin. Napabuntong hininga siya. Sinenyasan niya itong umalis na. Magalang naman itong sumunod. Nang wala na ito sa kaniyang paningin, agad niyang kinuha ang cellphone at chineck kung may mensahe bang mula sa kaniyang inaanak. ‘Good morning senator, baka magtaka ka na maaga akong umalis kanina. May pinuntahan lang ako sa Makati kasama si Danica. Uuwi rin ako kaagad,’ basa niya mula sa text ni Francesca. Tiningnan niya ang oras ng pagkakatanggap ng mensahe. ‘Quarter to six, masyado namang maaga. Saan naman kaya siya pumunta?’ Huminga siya nang malalim. Pagkatapos ay pinunasan ang bibig saka agad nang tumayo. Naglakad siya at umak

