"Ano to?" tanong ni Kate ng abutin ang box na dala ni Athena ng maging bisita ito sa villa ni Dale. "Inumin mo lahat mag pakamatay ka na." sagot naman ni Athena. "Hoy!" inis na angil ni Dale na nasa tabi ni Kate. "Hindi mo lang ba sisitahin bunganga ng asawa mo?" tanong ni Dale kay Dean na tahimik lang na naka yakap sa likuran ng asawa habang naka hawak sa tiyan. "Bakit pasalamat ka nga inutos pa ni Andres, magalit ka kung s'ya ang nag painom saka hindi yan iniinom itinuturok yan Gluta E, bagong product nila Kuya Jasper," "Hindi kailangan ng asawa ko yan?" ani Dale. "Ayoko sanang mang lait pero 'di ko na kayang tiisin. Mukha kang ulikba na punong-puno ng libag." ani Athena na ikinaawang naman ng bibig ni Kate sabay napangiti na lang dahil kilala naman na n'ya si Athena na walang pren

