Panay ang singhot ni Dale ng sipon at panay din ang pahid n'ya ng luha habang ka videocall si Ivan. Sa loob ng banyo, bukas na ang gripo n'ya sa lababo bukas pa ang shower habang nag papatugtog pa s'ya ng music. Nakiki-usap s'ya rito na kunin na ang asawa n'ya at dalahin na nito kahit saan basta tiyakin na pag balik nito ng asawa n'ya sa kanya magaling na si Kate. "Tumigil ka na Dale, iyan ang dahilan kung bakit hindi ko sinasabi sa'yo dahil may kutob na akong mangyayari ito." "Tulungan mo na ako sige na!' "Boy naman! Dentist lang ako hindi ako Neuro. Sinabi ko na sayo ito noon pero ayaw mong maniwala.' lalo lang na iyak si Dale ng maalala ang sinabi sa kanya noon ng doctor ng asawa pero hindi s'ya na niwala rito kahit kay Ivan noon. Kaya heto ngayon iiyak-iyak s'ya habang nakiki-usap n

