"Ano buhay ka pa ba d'yan?" tanong ni Akira na nilingon si Dale sa likuran na ang sarap ng upo habang nakatingin pala sa kanya kaya umiwas s'ya ng tingin kay Dale. "Hindi ka ba nahihirapan sa buhay mo dito?" "Sanay ako sa hirap." "Kung sasama ka sa akin hindi mo na mararanasan na mabilad sa initan," "Anong kapalit maging kabit mo?" "Bakit naman kita gagawin kabit kung puwede naman kitang seryosohin." ani Dale. "Ang mga gaya mo dapat ang sinusunog sa impiyerno." "Kahit kelan hindi ako nangbabae mahal ko ang asawa ko." "So hindi babae ang tingin mo sa akin." tumawa naman si Dale. "Kung hindi ka babae anong tawag d'yan sa dibdib mo tumor?" natawa naman si Akira na napatingin sa dibdib n'ya na hindi naman kalakihan pero sapat na para unang mapuna sa kanya. "Maganda ang asawa mo." "M

