Nang makita ni Miguel na nag-uusap sa labas ng kanilang mansion ang kanyang mga magulang at sina Jules at Hannah, ay may ideya na siya kung ano ang pinaguusapan nila. Aware din naman siya sa nangyayari sa kanyang sarili. Ang madalas niyang pag-iinit ng ulo, ang magaspang niyang asal sa mga tao, partikular sa kanyang mga magulang, at ang hindi niya maipaliwanag na pagbabago sa kanyang katawan. Noong isang linggo ay nadiskubre niya ang kakaibang mga pasa sa kanyang balat na hindi niya alam kung saan niya nakuha. Basta na lamang ito lumabas. At kanya itong inililihim sa lahat.
Sa banyo ng kanyang kuwarto, nakaharap si Miguel sa salamin at tinanggal niyang kanyang pang-itaas at suot lamang ay jeans. At kita sa kanyang katawan, sa dibdib, sa tiyan, sa kanyang ribcage ang mga pasa--na kung titignang mabuti ay tila hugis kamay. Mga marka na para bang gawa ng mahahabang mga daliri. Ang pasa ngayo'y nangingitim sa maputi niyang balat.
"f**k," ang tanging nasabi ni Miguel, at kanyang sinuot ang nakapatong na black t-shirt sa bathroom sink.
Pagkatapos ay nilapit niyang mukha niya sa salamin ng banyo upang tignang mabuti ito. Maputla ang kanyang kutis at kung kanyang hihimasin ay magaspang. Ang labi'y niya'y natutuklap at kanya ito nireremedyuhan sa paggamit ng Chapstick. Nang kanyang ibuka ang kanyang bibig ay nanlaki ang mga mata niya pagka't naninilaw ang mga ngipin niya, at ang kanyang dila ay nagkulay alikabok.
"Fuuucckkkk!" mas gigil niyang sabi.
Nagmamadali siyang lumabas ng banyo. Madilim ang kanyang kuwarto, pagka't hindi niya binubuksan ang kanyang mga kurtina. Bagama't pasado alas-dos pa lang ng hapon, ay akala mo'y gabi na. Sa loob ng kuwarto ni Miguel, walang sense of time.
Dinakma ni Miguel ang iphone sa bedside table at may idinial na numero. Makailang ring ay may sumagot.
"It's me, Miguel," tense na sabi niya sa telepono. "Something's happening to me."
Hindi siya mapakali. Palakad-lakad siya sa loob ng kuwarto.
"What the f**k is happening to me?!" sigaw ni Miguel.
"Okay, calm down, bro," sabi ng kausap niya, boses ng lalaki. "Mabuti pa come over at mag-usap tayo."
"I can't!" gigil na sabi ni Miguel. "My dad won't let me use the car!"
Banned si Miguel sa paggamit ng kotse. Hawak lahat ni Don Carlos ang mga susi ng anim nilang mga sasakyan.
"Okay, we'll pick you up," sabi ng lalaki sa kabilang linya.
Hindi siya agad nakasagot.
"Okay, bro?" sabi ng kausap.
"O-okay," mahinang tugon ni Miguel.
Pagkatapos ng tawag ay nahiga si Miguel at pumikit. Ilang beses niyang ninais na tuwing didilat siya'y nagbalik na sa dati ang lahat. Na normal na muli. Na hindi na sana niya ginawa ang bagay na nagdulot sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. Kung nanaisin din, sana'y hindi na siya sumali sa grupong kinasasangkutan niya. Isang bagay na alam niya na wala nang bawian.
Dinilat niyang kanyang mga mata at alam niya ang bangungot ay naririyan pa rin. Isang masamang panaginip na nangyayari sa totoong buhay. Napa-f**k uli si Miguel. At sinisisi ang sarili kung bakit sumali pa siya sa grupong iyon...sa grupo ng mga Satanista.
#
Si Miguel ay hindi typical na 18-year old na mula sa mayamang angkan. Hindi tulad ng mga rich kids who have everything, hindi interes ni Miguel ang mga materyal na bagay. Kahit na bilhan siya ng mga nagmamahalang latest gadgets, o ng Rolex na watch, ay kanya lamang itinatambak ito sa kuwarto. Suot man niya ang Rolex, wala siyang pakialam kung magasgasan ito, o manakaw, o makalimutan niya kung saan.
Nang busisiin nina Jules at Hannah ang kanyang kuwarto at makita ang mga poster at CDs niya na death metal, ay madali nilang na-profile kung anong klaseng teenager si Miguel. Tutoo sa kanilang palagay, si Miguel ay isang rebelde. Nguni't, ang pagiging rebelde niya ay hindi lamang dahil sa impluwensiya ng kanyang music, isama mo na ang mga binabasa niyang libro, o pinapanood na mga pelikula, ang pagiging rebelde niya ay may malalim na pinaghuhugutan--isang pangyayari sa kanilang pamilya na hindi niya matanggap hanggang ngayon. At ang bunton ng kanyang himasok at sinisisi nang lubos ay ang kanyang mga magulang, partikular ang striktong si Don Carlos.
Kung kaya't sumali si Miguel sa grupo ng mga Satanista bilang final act of rebellion. Nguni't, hindi niya inaasahan ang mga sumunod na pangyayari. Ang mga ritual. Ang mga sacrifices. Noong una'y gusto niyang gamitin si Satanas sa paghihiganti, pero in the long run, siya ang ginamit nito.
#
Makaraan ang ilang oras ay nadinig ni Miguel ang busina mula sa labas ng bahay. Agad siyang tumayo, sumilip sa bintana, at nakita ang itim na van sa tapat. Isang heavily-tinted na Ford.
Daliang isinuot ni Miguel ang kanyang rubber shoes at kinuha ang itim na jacket na nakasampay sa upuan at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Mabibigat ang kanyang mga yapak sa hagdanan kung kaya't na-alarma si Don Carlos na kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo sa may sala. Tumayo ang don, na naka-white t-shirt at slacks, at saktong nakita na papalabas ng bahay ang anak.
"Miguel!"
Tila hindi siya narinig. Dire-diretso si Miguel palabas ng bahay.
"Miguel!" mas malakas na tawag ng don. "Where are you going?"
Pagdating ng don sa pintuan ay pasakay na si Miguel sa itim na van, at humarurot ito paalis. Pamilyar ang van na ito sa don pagka't ilang beses na rin niya itong nakita sa paligid ng mansion. At may ilang beses na ring sinundo si Miguel. Hindi gaanong namumukaan ni Don Villaromano kung sino ang mga lulan ng van--ang mga kaibigan ni Miguel na sa kanyang palagay ay parte ng isang kulto. Ilan sa mga naaninag niyang nagpunta ay may mga kakaibang mga tattoo sa katawan.
Habang papaalis ang itim na van ay nakita ng don na may kulay blue na Nissan pick-up truck ang sumunod dito. Kanina pa ito nakaparada malapit sa mansion na para bang may hinihintay. Nang napadaan ang pick-up truck sa tapat ng mansion ay nagkatinginan ang don at ang driver nito--isang lalaki sa kanyang 50s na suot ay leather jacket. Tumango ito kay Don Carlos na para bang kilala siya, at pinitik ang upos ng sigarilyo na naiwan sa driveway ng mansion. Pinanood ng don ang pick-up truck na pasunod sa itim na Ford van na lulan si Miguel hanggang sa mawala ito sa kanto, at saka pa lamang siya pumasok ng bahay.
Sa loob, nakasalubong niya ang doña.
"Si Miguel?" tanong ng asawa.
"He went out."
"Yun na naman bang itim na van?" alam din ng doña ito.
"O-oo."
"Carlos, we should report it to the police," concerned na sabi ng doña. "Baka kung anong kapahamakan ang mangyari kay Miguel. Dapat alamin natin kung sino ang mga kasama niya..."
"It's all taken care of," interrupt ng don at nagbalik sa pagbabasa ng diyaryo.
Palabas ng Forbes Park, sinusundan ng pick-up truck ang itim na van nila Miguel at kanyang mga kasama.