"Are you sure na possessed siya?"
Katabi ni Jules si Don Carlos Villaromano at kaharap nila'y sina Mayor at Karen. Nasa isang mamahaling Italian restaurant sila sa may Timog at kasalukuyang inaantay ang kanilang order habang nagsi-sip ng red wine. Ini-expect ni Jules na sa Chinese restaurant magbo-blow out si Mayor, pero sa pagsulpot ng misteryosong Don Carlos ay dito ito nag-aya na makipagtagpo para makapag-usap. Ganon na lang ang tuwa ni Jules.
"Baka isa lang itong medical condition?" patuloy na tanong ni Jules.
"Look...ah..."
"Jules."
"Jules," confirm ni Don Carlos, at naging agitated siya, "It may sound trite, but, we've been to all the doctors, at wala silang mabigay na kasagutan. I'm an educated man, and I know what I saw. And it defies explanation!"
"Same here," sabi ni Mayor. "With regards sa documentary ko, I know what I saw."
Napatumpik ng palad sa mesa si Don Carlos.
"That's exactly why I approached you, Mayor," diin ng don. "A public offical like yourself, wouldn't risk his reputation kung hindi tutoo ang mga sinasabi niya."
Napatango si Mayor. Isang boost ito sa kanyang self-confidence.
"Ilan taon na ang anak n'yo?" mahinahong tanong ni Karen.
"Miguel is 18. Isang freshman," sagot ni Don Carlos.
"At kailan pa ito nagsimula, 'yung pagbabago niya?" dugtong pa ni Karen.
Napatingala ang don at nag-isip, "Let me see...I think, mga four or five months ago. I'm guessing may kinalaman ito sa mga bago niyang nakilala. They have this weird group."
"Paanong weird?" usisa ni Jules. "Like, parang kulto?"
Napatango ang don and realizing, "Y-yes, I believe so."
Nagkatinginan sina Jules, Mayor at Karen. Nasa isip nila, kung may kinalaman sa kulto, may posibilidad na may kinalaman ito sa devil-worship. Napatingin naman sa kanila ang don at iniisip na hindi pa sila ganoon ka-convinced, pero desperado siya sa tulong nila, kaya't may hinugot siya mula sa kanyang bulsa ng jacket—ang kanyang cheque book.
Nilapag niya ang cheque book sa mesa sa pagtataka ng iba.
"Do you have a pen?" tanong ng don kay Karen.
Saglit na natameme si Karen, at:
"Y-yes," at kinuha niyang bolpen sa kanyang handbag at binigay sa don.
Nagsulat si Don Carlos sa cheke at inabot ito kay Mayor.
"Here's an advance of P200 thousand," alok ng don. "So, you'll know na siryoso ako."
Napasandal si Jules, nakatitig sa cheke.
"I'm just a filmmaker, Carlos," sabi ni Mayor, at tinuro si Jules, "He and his team are the experts."
"Please, help me and my son," baling ng don kay Jules, may pagmamakaawa at desperasyon sa mukha.
Napatingin si Jules kina Mayor at Karen na tumango sa kanya. Binaba ni Jules ang glass ng wine na kanyang hawak at kinuha ang cheke. Binalik ng don ang cheque book sa kanyang bulsa at dinukot naman ang kanyang wallet, at mula roon ay kinuha ang kanyang calling card. Sinulat niyang address niya sa likod at binigay kay Jules.
"Here's my address and contact number..."
Tinignan ni Jules ang card at tumango.
"I'll expect you tomorrow morning, okay?" sabi ni Don Carlos na walang pagsasayang ng oras. At hindi iyon tanong, more like a command.
"Y-yes," sagot ni Jules.
Tumango ang don, affirming na nagkakaintindihan silang lahat. At binalikan din siya ng mga tango mula sa iba.
Maya-maya'y dumating ang kanilang pagkain na mamahaling order ng pasta, chicken at paella, na ang mga pangalan ay mahirap bigkasin sa menu. Gourmet-s**t, ikanga ni Jules na ngayon lang nakaranas ng ganitong fine dining sa tanang buhay niya. Mga pagkain na pang Master Chef. Ang maganda pa nito'y napunta sa kanya ang hindi nila naubos na take-out.
Matapos nilang kumain ay nagpaalam na sila sa isa't-isa. Mahigpit ang pagkamay sa kanila ng don, tanda na inaasahan niya ang tulong nila, na ito'y wala nang atrasan. Maging si Mayor ay medyo na-intimidate na makakilala ng taong mas mayaman sa kanya. No, correction, ng taong ubod ng yaman.
Na noong habang kumakain sila'y naikuwento ni Don Carlos ang ilang bagay tungkol sa kanyang sarili—na ang business niya pala ay international shipping. Nang sabihin ni Mayor na siya'y into real estate bago naging public official, ay sinabi naman ng don na may ilang properties siya sa ibang bansa—isa sa California, isa sa Florida, at isa sa Spain. Of course, bukod pa sa bahay niya sa Forbes Park. Mga bagay na hindi pa dumaan sa isipan ni Mayor na ma-achieve, napalunok na lamang siya.
Sa parking naroon na si Manong Driver ng Pajero ni Mayor na kausap ang driver ng Chrysler 300 sedan ni Don Carlos. Napa-wow sa kanilang mga sarili sina Jules, Mayor at Hannah. Alam ni Jules ang kalidad ng Chrysler 300 na ito, dahil ito ang sasakyan of choice ng rapper na si Snoop Doggy Dog. Elibs na elibs siya.
Nang makaalis si Don Carlos, ay nagpaalam na din sina Mayor at Karen at nagalok pa na ihatid si Jules. Pero, tumanggi si Jules at sinabing magtataxi na lang siya't malapit na rin lang ang Sampaloc, sa Dapitan Street kung saan siya nakatira.
"Bye, Jules," paalam ni Mayor. "Anytime na gusto n'yong magbakasyon, just tell me. My door is always open. Mi casa su casa."
"Don't be a stranger," dagdag ni Karen. "And don't forget, wedding namin ni Sonny next year, okay?"
"Oo, naman," ngiti ni Jules, at may naalala, "kumusta nga palang trip n'yo sa Bali?"
After ng exorcism sa Quezon Province ay nagtungo sina Mayor at Karen sa Bali, Indonesia para magbakasyon bilang isang engagement honeymoon.
Nakangiting nagkatinginan sina Mayor at Karen bago sumakay ng Pajero, at:
"Hot," masayang sabi ni Karen.
Mula sa ngiti, ay nagsiryoso ang mukha ni Mayor.
"Good luck, Jules," sabi nito. Alam niyang isa na na namang matinding kaso ang hinaharap ng grupo. "Godspeed."
Tumango si Jules, "Thanks, Sonny."
Pinanood ni Jules na lumisan ang Pajero, by then, lumuwag na ang traffic sa Timog area. Hindi lang nila sure sa EDSA going to South. Goodluck na lang nasabi ni Jules. At nang hindi na niya matanaw ang Pajero ay kinuha niyang iPhone niya at nagdial.
"Hello, Hannah?" sabi ni Jules sa phone. "May bagong mission tayo."