The Raid

2476 Words

Nang bumangon sila ng umaga ay gising na si Andy at nakapagtimpla na ng kanyang kape at sa kanilang surprise ay nakapaghanda ng agahan. Mula sa bintana ay bumubulahaw na ang Christmas songs ng mga beauticians sa parlor. 'Yung Diva versions, of course. Alas-siyete ng umaga, bagama't kulang pang itinulog nila'y napilitang bumangon sina Jules at Father Markus. Si Dean ay mahimbing pa ang tulog sa ekstrang kutson sa sahig ng kuwarto ni Jules, hindi affected ng ingay ng mga pampasaherong jeep at tricycle...o ng birit ni Celine Dion sa kantang O Holy Night. "Gandang umaga, Father...Jules..." bati ni Andy, habang nagkakape sa may hapag-kainan. Sa mesa, nakahain ang agahan na sinangag, fried eggs, corned beef hash at vienna sausages. Nakapagpainit na rin si Andy ng tubig at naisalin sa thermos.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD