Kylie Hindi ko magawang kumilos mula sa kinapupuwestuhan ko. Tulala lang akong nakatingin kay Caleb habang nakikipagpalitan siya ng putok ng baril sa kung sino man na nakatago mula sa balkonahe. Where the hell did his gun come from, anyway? Ni hindi ko man lang napansin ’yon kanina habang nag-uusap kami. “Let’s get out of here. I need to secure your safety first. Masyadong open ang area na ’to.” Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan. Hanggang sa bigla na lang akong nakaramdam ng hilo dahil tila tinatangay kami ng malakas na hangin patungo sa kung saan. Ngunit napaawang na lang ang bibig ko nang sa wakas ay tumigil na kami. Nilibot ko ang tingin sa paligid at doon ko napagtanto na nasa sala na pala kami ng mansyon. Sa pagkakataong ’yon ay narinig ko na rin ang pakikipagp

