Caleb “You’re so mean! Why can’t I go?” Palabas na kami sa mansyon nang biglang humabol sa ’min ang magaling kong kapatid. Halos hindi maipinta ang mukha niya nang dahil sa pagkakabusangot. “Because I said so.” I patted her head. “No worries. You can come tomorrow though,” I assured her. Sa pagkakataong ’yon ay biglang sumilay ang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. “Alright. I’ll just go to the company then.” “She’s really energetic.” Kylie shrugged. “It can’t be helped. Despite her age, she’s still my little sister for me.” Nauna na kaming umalis kay Caitlin dahil mag-aasikaso pa siya. Pagkarating namin sa university ay agad kaming sinalubong nang maingay at magulo pa ring paligid pagkababa namin sa kotse. “Don’t you dare try to play any more of the games. Lalo na kung hindi m

