“DO YOU KNOW HIM?” tanong ni Sophie kay Andrew paglabas ng bar. Nakaramdam kasi siya ng pagbanyo at saktong doon sila natapat. “Who?” salubong ang mga kilay na tanong ito. “The one you’re talking inside,” sagot niya. “I don’t know him.” “Ahm, okay.” Pumasok na siya sa loob ng sasakyan matapos itong buksan ng lalaki. Sa palagay niya ay aabutin sila ng halos isang buwan na pamamalagi sa Pilipinas dahil na rin sa request ng ama na sumama kasama ang mga kapatid. Una dahil may bago silang negosyo na itinatayo at nais makita mismo ng kanyang Dad ang developments niyon. “Bakit nasa iyo iyan?” Turo niya sa hawak ni Andrew na hikaw. “This earring? That guy inside gave it to me. Is it yours?” “Yeah.” Inabot ito ng lalaki sa kanya. “Thanks Andrew.” “So, have you decided to get the resort?

