LEO POV : Tanaw ang sarili sa salamin, nakikita ko ang sarili ko sa lalaking nakaharap kanina. Magkapareho talaga kami ng mukha. Ang pagkakaiba nga lang ay may biloy siya at makinis ang balat niya. Maganda ang damit at halatang mayaman. Unlike sa akin, may pag kayumanggi dahil na exposed ako masyado sa bukid at ngayon lang na exposed sa labas ng bundok. Pero kong pagtatabihin kami, nakasisiguro akong magkamukha na magkamukha kaming dalawa. " Kanina ka pa dyan sa salamin , Toy. ", rinig kong sabi ni Mang Rudy. Napapailing ako at nahihiya nang nakatingin sa kanila. " May nakikita ka bang maganda sa skwelahan at panay na ang sulyap mo sa sarili sa salamin?", natatawa niya pang sabi sa akin. Umiling kaagad ako. Totoo naman. Maraming magagandang estudyante, nakak ingganyo at kinuha ni

