LENO POV Sinundan ko ang kamukha ko at agad na pumasok muli sa mall. Nakita kong pumasok sila sa isang sosyal na kainan at umupo malapit sa entrance door ng restaurant. Kinakabahan ako sa pwedeng magawa kapag nakatunog itong si Pablo na hindi ako ang kinakausap niya. Lumapit sa akin ang empleyado dito at agad akong tinanong kong ano ang oorderin ko. Ibinigay niya ang menu at agad akong nagulat sa presyong inihain niya sa akin. Ang mahal naman pala ng mga pagkain dito. Mauubos pa ang ipon ko dito kung oorder ako ng mahal. Pero wala akong magawa kundi ang mag order kahit ang pinaka mura na lang, tutal gutom rin ako. Marami silang pinag usapan na parang tungkol sa organization. Tungkol sa pagkakatakas ko at kung paano nahihirapan ngayon ang organization. Napangisi ako doon, ang pagka

