Venom’s PoV
ABALA ako sa pag-aayos ng mga lumang files nang dumating si Knight dito sa bago naming hide out.
“Boss, ang gara ng bago nating hide out, a. Nandito na tayo ngayon sa underground. Ibang klase ka na rin ngayon, a. Modern na modern, boss. Naka-monitor na ngayon ang loob at labas ng hide out natin dito sa office mo. Grabe… iba na talaga ang umaasenso, boss,” namamanghang sabi ni Knight sa akin.
“Mas safe na rito at mas secure. May mga bago tayong Intel ngayon kaya sana naman umayos ka dahil senior ka na, Knight.” Matalim ko itong tinignan. Umupo ako sa gilid ng lamesa ko at binasa ang report ni Knight. Mission accomplished na naman ang kasong hawak nito.
“Yes, boss.” Umupo ito sa round chair at muling tumingin sa paligid. “P’wede ba akong tumambay dito, boss? Kapag may problem ako sa bago kong girlfriend p’wede siguro akong magtago dito.”
“Knight, biglang boss ang tawag mo sa akin ngayon, a. Siguro talagang may pinagtataguan kang babae at kailangan mo ng tulong ko? Hmm.” Hinimas ko ang aking baba at saka umiling. “P’wede kang magtago rito basta magbabayad ka. Okay na sa akin ang five thousand per day.”
Napatayo si Knight sa sinabi ko. “Sobra ka naman magpatong, boss. Parang hindi mo naman ako tauhan, a. Itinataya ko ang buhay ko sa mga mission pagkatapos sisingilin mo ako ng mahal?” pagrereklamo nito.
“Marami akong taong nilapitan para lang maipagawa ang bago nating hide out. Nagpakabit din ako ng underground wires para sa electricity at WIFI. Sound proof at fully-airconditioned ang buong hide out. Kahit nga mga comfort rooms may aircon. Walang ganito sa mga luxury hotels, Knight.”
Tumawa ito nang malakas. “Naging kaibigan mo lang si Danger naging hyper na rin ang pag-iisip mo.”
Naala na naman nito si Luna. Dalawang buwan pa lang mula noong umalis ito sa Triple X Agents ngunit nalungkot na ako. Puro seryoso na kasi ngayon ang mga agents kong bago. Nakadestino naman ngayon sina Viper at Helium sa Cebu. Tanging sina Dark at Knight na lang ang madalas kong makasama.
“Bigla kang nalungkot, boss. Miss ko na nga rin si Luna, e. Dadalawin ko nga sana kayo naisip ko na baka totohanin na ni Dean ang banta niya sa akin.” Nagkamot ito ng ulo. Hindi naman lingid sa akin ang pagkakagusto ni Knight kay Luna. Ngunit kailangan nitong tanggapin na ikinasal na si Luna kay Dean at masaya na ang buhay nito.
“Ang mabuti pa, magpahinga ka muna. Tapos na ang mission mo kaya bibigyan kita ng bakasyon. Tutukan ko na lang muna ang mga bagong agents at sila ang papakilusin ko.” Bumaba ako sa may gilid ng lamesa at nilapitan ito. “Kailangan mong isipin ang pagkakaroon mo ng sariling pamilya, Knight.”
“Boss, ikaw ba? Hindi mo ba balak na mag-asawa?” biglang tanong nito sa akin.
“No’ng mamatay ang asawa ko nag-focus na lang ako sa pagsisilbi sa bansa kaya naman hindi ko na iniisip ang bagay na iyan. Maglilingkod ako sa bansa habang buhay pa ako.”
Nginisihan na lang ako ni Knight. “Sige na nga, boss. Aalis na ako at magbabakasyon. Kapag may nahanap akong babae na p’wede para sa iyo, tatawagan kita,” pagbibiro pa nito sa akin.
“Sira ulo ka talagang bata ka!” Babatuhin ko sana ito ng record book ngunit nakailag naman ito.
Muli kong inayos ang mga files na inilalagay ko sa may cabinet. Mayamaya pa ay nag-ring ang cellphone ko na ipinatong ko sa lamesa.
Si Josie ang tumatawag. Siya ang tagapangalaga ni Thalia dati sa bahay ampunan.
“Sir Siege, nakabalik na nga pala si Thalia. At gusto niya kayong makita, sir. Ibinigay ko sa kanya ang dating bahay ninyo sa La Union,” kalmadong sabi ni Josie sa akin.
“Ganoon ba? Si-Sige, Josie. Maraming salamat.”
Bumuga ako nang malalim pagkatapos naming mag-usap ni Josie. Fifteen years na ang nakakalipas noong iwan sa akin ni Rico ang anak nito. At hindi na nakabalik ang Kumpare ko pagkatapos nitong iwan sa akin si Thalia. Bago pa lamang akong head noon ng Triple X Agents at isa sa pinakamabigat naming mission ang kalabanin ang mga sh@bu operators. Namatay@n ako ng asawa at kinailangan kong dalhin sa Hong Kong ang aking mga anak upang hindi sila madamay.
Ang akala ko maayos na ang lagay ni Thalia sa Amerika ngunit bumalik na ito. At alam ko ang dahilan kung bakit.
Tinungo ko ang elevator at pinindot ang up botton. Isang lumang pinto ang bubuksan ko pagkabukas ng elevator. Ang aming bagong hide out ngayon ay dating imbakan ng mga palay na ngayon ay ginawa kong vulcanizing shop. At tanging mga secret agents lang ang may alam sa passcode ng elevator patungo sa under ground.
“Vincent, ihatid mo ako sa La Union sa dati kong bahay,” sabi ko sa aking personal driver.
“Yes, sir.” Ipinagbukas ako ng pinto ng van ni Vincent at inihatid sa dati kong bahay. Hindi ko iyon ibinenta dahil memorable sa akin ang bahay na iyon. Ipinapalinis ko na lang at ipinapapintura upang nagmukhang bago pa rin.
Pagdating namin ni Vincent sa Barangay Malinsoc ay may naka-park na itim na Innova sa harapan ng gate.
Bumaba ako ng van at bumaba rin ang sakay no’n.
Napalunok ako habang pinagmamasdan ang babae. Malalabanos ang kutis nito, ang mga labi katulad ng pulang rosas at ang katawan nito walang mintis sa sukat na 36, 24, 36. Nakasuot ng kulay red na off shoulder body con. Iniangat nito ang suot na shades at tumingin sa akin.
“Ninong Venom, naalala mo ba ako? Ako si Thalia Solae Roman,” nakangiting sabi nito sa akin.
Napatango ako ngunit bigla niya akong niyakap. “I miss you, Ninong.”
Napatingin ako kay Vincent na seryoso lang at walang imik.
“A-Ang mabuti pa sa loob natin pag-usapan kung bakit ka nandito?” medyo kinakabahan na tanong ko rito. Hindi ko idinantay ang palad ko sa katawan ni Thalia. Inilayo ko pa ang sarili ko rito dahil hindi ko alam kung si Thalia nga ba ito o ibang tao.
Sinenyasan ko si Vincent at bumulong ako rito. “Kailangan ko ng Intel Report, Vincent.”
Tumango naman ito at mukhang alam na ang gagawin. Kokontakin nito si Miggy upang alamin kung sino si Thalia Solae Roman, kung siya ba ang anak ni Rico na Kumpare ko o ibang tao?
“Nakaka-sad naman, Ninong Venom. Hindi mo pala ako knows.” Sumimangot pa si Thalia sa harapan ko. “Ay, wait. May binili pala akong foods and also pasalubong for you, Ninong,” excited pa na sabi nito na biglang feeling close sa akin.